Wednesday, July 3, 2013

Ikaw na aking mundo.

May pitong bagay akong hiling.

Una ay makita kang muli Maria. Ikaw, ang tuwid at itim mong buhok,
ang biloy mo sa pisngi, maliit mong mga kamay. Ikaw at tanging ikaw.

Pangalawa, gusto kong ulitin kung kailan tayo unang nagkita,
ang makulimlim na tanghalian at ang sabay nating pagbili ng turon
kay Manang Monet.

Ikatlo ay sariwain ang unang pagkakataon na hinayaan mong hawakan ko
ang iyong kamay, sa harap ng mga kaibigan mo na naging mga kaibigan ko na rin.

Pang-apat ay balikan ang gabing sabay tayong nangarap
na magkapamilya balang araw. Ikaw na nanay ng pito kong anak,
ako na tagalaba at tagaluto mo kapag Sabado at Linggo.

Panglima, maalala ng mas detalyado ang araw na nagpakilala tayo sa magulang
mo at magulang ko. Na tayo ay nag-iibigan. At binigyan nila tayo ng basbas
sa ating relasyon.

Pang-anim, ay yoong sinamahan mo lang akong uminom noong nalaman ko
na namatay ang pinakapaborito kong lolo.
Natapos ako ng alas dos ng umaga na umiiyak, nahihilo at wala ng pera.

At huli sa lahat, nais kong hilingin na di na natuloy ang Lunes nitong linggo
noong sinabi mo na hindi ka na sigurado kung mahal mo pa ako.
Na napapagod ka na sa maayos nating pagsasama.
At may hinahanap ka na di mo makita sa akin.

Pitong kahilingan Maria. Lahat umiikot sayo.

18 comments:

  1. Awww... kahit fiction lamang itong tula nyo sir, ramdam ko may pinaghuhugutan kayo eh. Na curious tuloy akong malaman kung sino talaga si Maria sa buhay nyo :))

    ReplyDelete
  2. Napapansin ko na pagkaraan ng iyong pagbisita sa bansang Singapore ay tungkol sa puso ang karamihang iyong mga isinulat. Magandang balikan ang matamis na nakaraan at gawing inspirasyon sa kinabukasan. Wag lamang manatili sa nakaraan at laging nahihirapan. May darating para sa iyo at hindi lang pito ang iyong hihilingin dahil siya ang magbibigay sa iyo ng bagong pag-ibig at buhay. (Nahirapan subalit nagpumilit gumamit ng Filipino para sa iyo.)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Okay lang ser Jonathan na hindi magFilipino sa comment :) Pero natutuwa ako na nagpifilipino ka. Haha

      Tungkol sa Singapore, okay lang naman yung karanasan ko doon. Random shiz lang tong mga punpon ng salita.

      Delete
  3. Hindi kaya parusa ang pitong kahilingan? Halimbawang matupad nga lahat ng ito... parang panandaliang saya lamang lahat ng hiling na yan... at pagkatapos, mananariwa muli ang sakit na dulot ng kahapon...

    Tama na kasi... wag nang balikan... iba na lang ang hilingin... Move on na ser!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser Mar, yang mga what ifs na yan at could have-would-have ay penitensiya talaga. Pero anong saysay ng buhay kung wala yang mga iyan di ba? :)

      Delete
  4. Fiction lang to? (insert curse word here) KALA KO REAL. Huhu. Despite that fact, naluha ako. Feel na feel kong totoo. Maybe it's a semi-fic? And more, may MARIA pala ako sa name ko. Wala lang. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ester Yaje, baka ikaw na ang hinahanap kong tunay na pag-ibig. Ahahay!

      Delete
    2. Wag ka ng makialam dito Pao. Magpaka-busy-busy-han ka na lang at wag sumagot sa mga tipa ng pangungusap.

      Delete
  5. hmm parang may pinaghuhugutan ahh
    mejo relate ako sa last parang ganyan
    feeling ko ee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser Mecoy, lahat naman ng akda laging may pinaghuhugutan. Ayun nga lang, pwedeng personal na karanasan o hindi :)

      Delete
  6. ang lungkot.. bakit ganyan mga post mo lately.. parang laging may pinaghuhugutan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung susunod na post, may pinaghuhugutan din pero hindi malungkot :)

      Delete
  7. Hahahaa tama si aaron para kang may pinaghuhugutan , hahahah si maria si maria! Inum nlng ntin yan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pansamantalang tumigil ako sa inomm ser kulapitot.

      Delete
  8. nasanay na akong tumingin sa label syempre. Pero bakit hindi pa rin ako convinced. haha.

    Si Mariang mapalad.

    ReplyDelete