Sunday, July 14, 2013

Unang date natin na wala akong pagtatangi

Naglasing ako kahapon. Kasama ka. Kung paanong sinusubukan kong itulak lalo ang kakayahan ng kalamnan ko sa circuit training, ganoon naman na sinubukan kong tingnan ang dulo ng tolerance ko sa alak.

Apat na tequila sprite. Ayan ang dulo ng pagkatao ko at simula ng debolusyon ko para maging isang tipak ng putik na humihinga. Sa ikaapat na inom ko ng tequila mix, isa na lamang akong katawan sa bar na pinagpapawisan at nahihilo.

Alam kong malaki ang kaba mo kung paano ako sasaluhin matapos kong mag-inom. Kauna-unahang pagkakataon mo akong nakita na ganoon. Maswerte ka kasi ayan ang una kong paglalasing na may conscious na pagdedesisyon. Madami ka kasing mga tanong. At alam kong kailangan mo ng sagot. Hindi ko kayang gawin ito na hindi nagiging ilang. Kaya dinaan ko sa alak.


Hindi ko alam kung ilang beses ko pa ito gagawin. Pero nasimulan ko. Para sa iyo. Para tulungan ka. At para makita mo ang bahagi ng kwento natin sa katayuan ko.

Sa unang pagkakataon, nadinig mo ang mga kwento ng buhay ko na may kinalaman sayo. Pati na rin ang mga hindi ko kailanman naibahagi kahit kanino. Nakita mo ako umiyak. At tumawa. At magmakaawa na pahalagahan mo ang buhay mo. Alang-alang sa pinagsamahan natin.

Ngayong okay na ulit ako, sana hindi mo na ulit ako tanungin ng mga tanong. Sana tama na yung mga nabahagi ko noong gabing yun para makaraos ka na rin sa buhay. Dahil kung dumating ulit ang pagkakataon na may kailangan ka ulit liwanagin sa akin, kakailanganin ko ulit ng alak.

Dahil handa akong muling maging tipak ng putik na humihinga, sa tulong ng tequila, para maibigay sayo ang mga naratibo na kailaman ay hindi ko masasabi kung wala akong tama ng espirito.

Nag-enjoy ka sana sa ating unang date. Sa taong ito.

40 comments:

  1. Puno ng emosyon... Dama ko! Hmmnnn, na-enjoy naman niya siguro ang unang date niyo... Sana... at sana ikaw rin....

    Beer pa!

    ReplyDelete
  2. seems like everyone enjoyed the date. alcohol does help any jitters...

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes ser mike. nawala ang jitters. natagtag sa katawan ang kahit anong inhibitions. nakakatawa siguro ako tignan.

      Delete
  3. parang akmang kanta sa post na ito ang beer by itchyworms! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. papakinggan ko mamaya ser zai. di yata ako pamilyar sa kantang yan.

      Delete
    2. ser, paborito ko yun. #MakasawsawLang.

      Delete
    3. Bigla akong naluha sa parteng
      Ang beer na to o ang...
      pag-ibig mo!...

      Delete
    4. naka relate ka ba sa kanta overthinker? theme song ko dati yan e!

      Delete
    5. So bago na ang theme song mo ser zai? Di na sawing pag-ibig?

      Delete
  4. medyo emo ang post at ramdam na ramdam ang bawat salitang itinipa

    ReplyDelete
    Replies
    1. as usual ser bino. malamlam na naman ang pakiramdam ng post kong ito. haha.

      Delete
  5. favorite blogpost :)

    umaapaw sa emosyon.

    Iba tlga pag may pinaghuhugutan,

    Pang mayaman ang tequila , generoso lang kaya ng budget ko pag kailangan kong sumagot ng mgam illion dollar questuon sir. hahha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bagotilyo, di ko pa natitikman ang Generoso. At mukhang wala akong planong tumikim ng kahit anong alak nitong mga susunod na araw. Nakaquota na ako sa buong taon. LOL

      Delete
  6. 1. Sir, mawalang galang na, pero p*^* ng ina, tuwing dalaw ko dito eh sapul yung mga ipinapaskil mo. Ilang beses na 'to ah, nakaka-bingo ka na, Sir. 'Eto yung eksaktong pakiramdam at tumatakbo sa utak ko noong Biyernes. Leche.

    Hindi mo naman kasalanang may maka-relate ng punyetang wagas, pero t&^%*$@ lang talaga.

    2. Nakakapikon lang yung may mga akda kang mababasa na iginuguhit ang eksena sa utak mo. Magkakaiba ang eksena depende sa tao, oo, pero andun yung konsepto na bitbit ng kwento. Kanya kanya na lamang ang mga utaw sa interpretation. Ang hirap lang din na may mga pangyayari na wala kang mga salita upang ipahayag o i-describe, tas makakatagpo ka ng isang akda na epitome ng lahat ng gusto mong ibulalas.

    Parang ito. Nakaka-stress tuloy. *sindi ng yosi*

    3. Nagiging isa ka na sa mga paborito ko. Walang bola. Parang kelangan ko na ihanda parati sarili ko pag pupunta ako dito. Magtabi ng ilang istik ng yosi at isang tasa ng kape.

    Muli, Sir, taragis sa galing mo sa pagpaparamdam sa mambabasa ng pagka-lungkot at ng sakit at hiwaga ng pagiging single.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Ang p*^* ng ina ay discriminatory sa mga kababaihan. Why not change it to p*^* ng magulang? Para walang gender bias :P

      2. I would suggest you read Citybuoy and Going Guderian. Hanapin mo sa right side ng espasyong ito. You might enjoy them as well. Parehong putahe naman sila. Iba lang ang lasa. Haha. Mas malinamnam. May mga naratibo sila na after ko mabasa, gusto kong uminom ng bleaching agent. O kaya may pagnanais akong dilaan ang elisi ng umaandar na electric fan matapos mabasa yung mga gawa nila. Try mo. Pero mag-ingat. Haha.

      3. Iniisip ko ngang magmellow ng kaunti sa mga existential angst ko, at emo shiz. Para kasing ayon na lang ang buhay ko dito sa espasyong ito. Pero kung tutuusin sa totoong buhay, mas masaya ako kesa napoproject ko dito.

      Delete
  7. parang sarap irap ee, naku tindi ng emosyong binuhos sa post na to
    hays buti na lang ako di nainum

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag mo nang itry mag-inom. Di naman siya kelangan sa buhay Mecoy.

      Delete
  8. Replies
    1. Olivr, maiba lang ako. Di ko alam talaga ang ginagawa mo sa Chemistry. Pero kung di ka man kikita ng limpak-limpak sa pagsusulat, maging mabait ka sa sangkatauhan at mag part time writer ka. Iba ang talento mo ser. Seryoso.

      Delete
    2. maiba din ako. tara umakyat ng bundok ser.

      Delete
    3. Tatanggi ako pansamantala. Gusto ko sana magpaliwanag kung bakit. Kaya lang di ko alam kung pano ka iprivate message.

      Delete
  9. grabe noh... hayyy. *naghahanap ng tequila sprite*

    ReplyDelete
  10. Pang ilang balik ko na sa post na to, pero di ako makapag comment! Ang bigat sa dibdib!

    When life gives you a lemon, ihanda na ang salt at tequila.. nabasa ko lang somewhere...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Natawa ako sa quotation. :)))

      Mattapos din ang emo shiz ko ser mar. Haha

      Delete
  11. Ayokong uminom pag mabigat ang luob ko. At lalo na pag nasa date kasi baka masabi ko ang dapat i reserve na sabihin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Phioxee, kaya uminom sa date ay para mabigyan ng tuldok lahat ng mga tanong niya. Okay lang masabi lahat. Yun naman ang gusto niya at gusto ko.

      Delete
  12. Never pa akong uminm navsad ako ako tama si phioxee ,! Hinay hinay lbg parekoy!!!! At kaya yan

    ReplyDelete
  13. Mali mali ispeling ko sa comment sori naka mobile lng hahah

    ReplyDelete
  14. Hanggang ngayon ser, sagad pa rin hanggang ulap ang pag hanga ko sa narrating prowess mo. Just saying.

    Sa tingin ko naman, nailabas mo ang halos lahat ng unwanted feelings mo na dinadala mo. Sana nakatulong ang tequila. Hinay hinay lang.

    Dati, akala ko noon mas mainam na mag labas ng emosyon pag may pampalakas ng loob gaya ng mga alkohol. Tipong hindi ko kaya mag salita kung walang tama ng alak. Pero ngayon...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku Pao, sana tinapos mo na ang huling oangungusap mo :P

      Delete
  15. May mga bagay talagang hindi natin kayang sabihin ng harapan. Pero kung may katulong na alak, sige lang sa paglabas kahit pa may masasaktan.

    ReplyDelete
  16. Andito yung puso ko na nahati into pieces. "Dahil handa akong muling maging tipak ng putik na humihinga, sa tulong ng tequila, para maibigay sayo ang mga naratibo na kailaman ay hindi ko masasabi kung wala akong tama ng espirito."

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gusto ko rin yang part na yan. Dahil buong katotohanan yang pangungusap na yan.

      Halika at lagyan natin ng epoxy ang mga napiraso mong puso Mga Espasyo :)

      Delete