Saturday, July 21, 2012

Si Anke, ang Nasugbu at ang homesick palaboy

Mabilis magbihis ang bayan na kinalakihan ko sa Nasugbu. Nawala na yung mga small time grocery store at napalitan ng kung anek-anek na  hindi naman taga-samen ang namumuhunan.

Yung mga tao sa amin, masaya at sabik naman sa mga taga-labas na negosyong ipapasok sa amin. Jobe, Andoks, Chowking, Mercury. Kapag bagong bukas, pinipilahan. Nung nagbukas ang Mercury, kahit walang sakit bumili ng gamot ang mga tao. "Isang piraso ng Imodium po." Labo.

Naalala ko nung Grade 6 ako. Kaunaunahang tagalabas na negosyong ipinasok sa amin yung Dunkin Donut. Haha. Hindi kinaya ng aircon nila ang siksikan ng mga tao. At grabe ang pila, umabot sa isang kanto. At ehem, posturang postura ang mga tao. Halimbawa, sa bayan namin, hindi naman uso ang magsapatos. Walangjo, lahat nakasapatos noon para bumili lang ng donut. Ano kaya yun. O sige na nga, kasama ako dun sa mga nagsapatos. Hihi.

Dahil sa bilis ng pagbibihis ng bayan, ako yung tipong naliligaw sa sariling lugar na kinalakhan ko. Bihira lang ako umuwi e. Ayun. Nung nakauwi ako, nagtext kagad ako kay Anke. Sya yung hayskul tropapips ko. Sa larawan na yan, chunky na siya. Nung hayskul payat na payat yan. Haha.


Welkam bak food na libre ni Anke. Sili turon.
Si Anke yung isa sa pinakamalapit kong barkada nung panahon na uso ang tagihawat at panliligaw. Kung tutuusin, halos magkasiraan kami niyan nung pareho kaming naligaw nanligaw sa isang babae. Nung nagkalaunan, ako nag-give way sa kanya. Ayun, hindi naman marunong dumiskarte, nabasted siya. Hahaha.

Nung araw na umuwi ako sa amin, para akong may tourist guide. Siya kasi yung tipong kaibigan ng lahat. Kaya pati yung istorya ng bagong tayong gusali, ilan ang namatay sa pagpapatayo nun, sino yung mga nag-away-away sa puno ng mangga na katabi nung gusali, pati na yung kabit nung kapitan ng barangay kung saan tinayo ang bagong gusali, alam niya. Habang iniikot niya ako sa bayan, hindi lang yung facts ang kasama, pati tsismis. Hihi.

Biglaan lang ang post nato. Naho-homesick ako at gusto umuwi ng probinsiya. Nakakalunod kasi ang trabaho ngayon at sa susunod na linggo. Kumakawala lang sa realidad.  Buhay manggagawa nga naman.

No comments:

Post a Comment