Wednesday, July 25, 2012

Kumu-quotable quote ako last lecture session


 It is possible to love someone without being committed. It is also possible to be committed without loving the person. Yet, when all is said and done, most of us long for a love that includes commitment and a commitment that encompasses love.

Ang Shiz na yan ay kasama sa lecture ko last meeting sa klase ko. Kasama yan ng nagpa-charade ako sa mga estudyante ng kanta ni April Boy Regino, LA Lopez, Aiza Seguerra at Ara Mina.

Bukas may lecture class na naman ako. At syempre hindi ko pa siya natatapos gawin. Naku naman kasi. Napansin ko na masyadong madami nang theses na nagawa patungkol sa pamilya at relasyon sa aming Kolehiyo. Sayang naman kung ang gagawin kong example e yung mga shiz sa mga banyagang libro. Kaya eto, nagno-note ako sa mga examples ng paggamit ng teorya sa Pinas. Yehes, cultural relevance ang peg ng walangjo!



Ayan, kaya tuloy ako ay nakanganga ngayon. Pinagsasalitan ang pagbabasa ng thesis ng isang kaibigan (para sa diskusyon bukas sa klase) at ang pagbabasa (achuli back reading) ng mga entries ng isang idol sa pagkana ng mga kung anu anong bagay sa buhay, imahinasyon at iba pa.

Karamihan kasi sa sinusubaybayan ko ay hindi naman ganun kabilis magsulat ng entry. Hello, calling all idols ni Palaboy! Sulat na! Mahilig ako magbasa. Peksman magkocomment ako.

Kung napapansin ng mga idol ko na maya't maya ay may bumibisita sa kanilang site, ako yun, nagbaback read o nagrereread ng mga entries. Para lang may magawa. Ganun. Parang tanga lang. Hihi.

O siya, naway maganda ang araw ko bukas dahil sobrang gapang ako sa pagod ngayon. Nga pala, magpapa-surprise quiz ako bukas. Dalawang linggo na ako nagreremind na magbasa sila ng mga assigned readings. Hihi. Five items lang naman.

No comments:

Post a Comment