Thursday, July 12, 2012

. Ang naiisip ko lang dito ay trabaho, pera

Kapag gabi nagiging dilaw ang syudad.
Natatawa lang akong tingnan ang mga blog entry ko. Ang bababaw. Hahaha. Lintek. Walang social relevance shiz. Egocentric lahat. Walangjo.

Ganun talaga. Kaya nagshift na rin ako ng linggwahe na ginamit. Nung una, pa-ingles ingles ako. Pero parang hindi ko boses yung mga nasulat ko. Di naman talaga ako ma-ingles. Kapag kelangan lang. (Asus! Kelangan daw o.) Hahaha. Masyadong may distansiya ang Ingles sa akin. Iba talaga ang tagalog. Sana sa susunod, mas makita niyo ang puntong Batangueno ko. Yung hindi lang nahahalata sa ala eh. Yung tipong natural na kahit walang ala e ay randam na may kapeng barako at asukal mula sa pinaggapasan ng tubo ang punto ko. Hihi.

At bigla kong naisip na namimiss ko na talaga ang bayan ng Nasugbu kung saan ako lumaki. Hindi ko makita ang kapahingahan sa Maynila. Ang naiisip ko lang dito ay trabaho, pera at trabaho, pera at syempre trabaho, pera.



Pero kung tutuusin medyo nabuburyong din naman ako sa probinsya kapag matagalan ako napapatigil dun. Parang mas hinahanap naman ng baga ko ang usok at basura at mga walang galang na mga tao. Hahaha.

Dito ko naisip ngayon na kahit may appointment ako ng Sabado ng tanghali sa may Ortigas, uuwi pa rin ako ng Nasugbu. Para makita na rin sina erpats at ermats. Parang talo sa pamasahe. Pero syempre, iba talaga pag nasa sariling bahay kasama ang magulang.

Pangako ko na hindi ako magdadala ng trabaho sa pag-uwi ko sa linggong ito. Peksman.


4 comments:

  1. kabayan, salamat sa pagfollow sa blog ko!

    magpakita ka saken pag umuwi ka ng Pinas! haha.

    keep blogging! \m/

    ReplyDelete
  2. kabayan, salamat sa pagfollow sa blog ko!

    keep blogging. \m/

    ReplyDelete
  3. ay teka, andito ka ba sa Pinas?? LOL!! tinignan ko lang profile photo mo akala ko nasa abroad ka. hahahaha!!

    teka nga, magbabasa muna ko ng blog mo. hahaha!

    ReplyDelete
  4. Ser SOB, sa ibang bansa kinuha ang larawan. Pero manggagawa ako ng gobyerno ng Pinas.

    ReplyDelete