Hindi yan listahan ng mga utang. Listahan yan ng mga mga kanta na may kinalaman sa pag-ibig, unrequited love man yan, pagtatapat ng pag-ibig, pagbibigay ng mga pangako, pambabasted, at kung anu-ano pang shiz.
Kaya makulay ang papel, nakita ko kasi na madaming ganyan na itatapon na sa basurahan. Hiningi ko na lang para magamit at masulatan. May ilusyon kasi ako na nakakapagligtas ako ng puno at maligno kung ginagamit ng maayos ang mga papel hanggang sa huli nitong piraso.
Anyway highway, boquet, croquet, nakasulat diyan yung mga love songs para sa charade bukas sa lecture class ko sa kolehiyo. Pinagbasa ko kasi ng mga teorya sa pag-ibig ang mga estudyante. Sana nga nagbasa sila. Kasi ayoko na magpagraded recitation at magsurprise quiz sa kanila. Hindi maganda ang resulta kapag natatakot sila sa klase. Mas gusto ko ang malayang diskusyon. Asus!
Saka sayang naman ang mahal na binabayad nila kada semestre na library fee. Mas mainam gamitin ang libro mga totoy at ineng kesa magwikipedia. Seryoso.
Ayun, ang mga kanta ay kanilang i-a-act out. Pero team effort ang act out. Dalawang tao ang magcha-charades. Haha. Ayan lang ang twist. Isipin mo na lang kung pano nila iaarte ang Halik na kanta ng Aegis. Hihi.
Kasama sa list ang mga sumusunod na kanta na ginawa namin at nang iba pang kasamang instraktor:
- Paper Roses (Vilma Santos. Oo, hindi si Jolina ang original)
- Nanghihinayang (Jeremiah)
- Honey, my love, so sweet (April Boyz at hindi si April Boy Regino lang ang kumanta niyan)
- Kaba (Tootsie Guevarra)
- Mister DJ (Sharon Cuneta)
- Am I In or Out? (Sandara Parks)
- Ay, ay, ay pag-ibig (Ara Mina)
Kung nagtataka kayo kung siyentipiko nga bang pinag-aaralan ang pag-ibig, ang sagot ay oo. Kilalang mga teorista sina RJ STernberg, John Lee, at kung sino-sino pa. Sa totoo lang, interesado talaga ang kurso na tinuturo ko sa semestreng ito. Kasama sa balangkas ko ang mga pag-aaral na ginawa patungkol sa ligawan, pagseselos at nakakatambling na attachment.
O basta, ganyan. Excited ako kung paano icha-charades ang Ay, ay, ay Pag-ibig ni Ara Mina. Hehe.

Nakalimutan mong isali ung ni-remake ni LA LOPEZ ung Yakap.
ReplyDeleteser kuri, sorry naman. naaalala ko lang si LA LOPEZ sa eh kasi bata at sa "Mag-iodize salt tayo" jingle niya. nung lumaki na siya, bangungot na yung naging takbo ng karir niya. haha. sige, alang-alang kay Red, isasama natin sa charades ang suhestyon mo. :D
ReplyDeleteOh sheyt. Kapag ako ang naassign sa team building activity namin, eto ang gagawin kong game! Salamat sa ideya!
ReplyDeleteser glentot, isama mo yung title ng song at singer. Masaya. Haha. Nakakatawa kahapon kung pano nila in-act out sina Ariel Rivera at Ara Mina. HAHA.
ReplyDelete