Nagkataon lang na mas trip na ni Olivr ngayon mag-travel blog. Mahilig din kasi yan umakyat ng bundok. Kaya ang dati niyang espasyo na The Beat Box ay Olvr's Trvls na ngayon.
Ilang beses ko na yan pinakiusapan na magpost ulit tungkol sa musika. Binigyan ko pa nga yan ng suhol na fountain pen. Pero hindi epektibo.
Nabanggit ko ang The Beat Box dahil nitong nakaraang lockdown ng dalawang buwan dahil sa Covid crisis, isa sa mga nagpapakalma sa akin kapag matatapos na ang gabi ay ang makinig sa Spotify at maghanap ng ilang musika na nagpapakalma sa overthinker kong kaluluwa. Ibahagi ko lang sa inyo, baka matripan niyo rin:
- Find Yourself by Great Good Fne ok, Before You Exit
- Lucid Dreams by Juice WRLD
- Sweet Dreams by Eurhythmics
- Someone to You by BANNERS
- Dancing Around by flor
- Beautiful Scars by Maximillian
- Where the Sky Hangs by Passion Pit
- Passenger Side by Smallpools
- I believe by Jonas Borthers
- Girls Just Wanna Have Some by Chromatics
- Ride or Die by The Knocks, Foster the People
Ayan yung ECQ playlist ni Overthinker Palaboy. Hope maenjoy at makalma din kayo niyang mga musikang yan.
--------------------------------------
EDIT:
On some weird shit, nakita ko na sinalba ni Olivr ang The Beat Box niya. Hayop kang Olivr ka. Di mo sinabi na active yung music blog mo.

biglang nag-mashup sa utak ko yung kanta ng banners (someone to you) at ben&ben (ride home)-
ReplyDelete"someone to you oooh oooh oooh
you're all I need, the very air I breathe"
lol
Hahahaha!
DeleteAyan, gusto ko yung novelty ng playlist na ito :D
ReplyDeleteKumusta na kayo ngayong papalapit na ang paglift nf ECQ? Ang layo ko sa Pinas, pero yung bigat ng pakiramdam, ramdam ko. O excuse ko lang yun para hindi maging productive kung nasan man ako ngayon. hindi ko alam. Pero sana okay kayong lahat.
Pinakapaborito ko diyan ang Lucid Dreams saka Find Yourself.
DeleteNagtatry naman mag-adopt ang mga tao sa bagong normal. I mean we could do better pero may ilang mga adjustments na rin ang mga Pinoy. Hope youre well and healthy, Yccos.
Deletewell well matagal tagal na din pa lang akong hindi nakakapag soundtrip... mabisita nga ang spotify ko. sayang naman ang subscription ko na hindi ko naman nagagamit ☺
ReplyDeleteSponsor mo na lang spotify ko. Hahahaha!
Delete