Friday, February 21, 2020

Mabilisang pag-alaala

Sinimulan ko yung blog na ito nung nagtatransition ako sa trabaho. Ito din yung panahon na nag-undergo ako ng therapy. Mas magulo pa sa bulbol ang buhay ko noon.


Hanggang sa maglaon, naging mas plantsado. Bumalik sa steady state o equilibrium ang buhay ko. Syempre, may mga konting lukso, talon, hinto at pagbagal. Pero hindi kasing gulo noon.

Malaking tulong yung mga naging kaibigan ko dito sa blogosphere. Makwento, maingay at makomento pa ang mga tao noon. May mga snub din. Meron din naman sobrang ep-si. Pero masigla at nilu-look forward ko noon mag-online dahil sa mga blog na pwede ko basahin at mga blog post na pwede ko isulat.

Di ko alam kung kelan nagsimula na tumahimik yung mundo dito. Ako din naman, etong espasyo na ito, binabalikan ko na lang minsan bilang archieves ng mga iniisip ko, pati ng mga kwento na sinubukan ko ibahagi.

Para sa magandang alaala ng blogspot, cheers mga kaibigan!


4 comments:

  1. mawawala na ba ang blogspot? sana hindi.
    kamusta sir OP

    bigla na nga lang tumahimik ang blogosphere...

    ReplyDelete
    Replies
    1. HI Sir Jep. Masaya ako na makita na nandito ka pa.

      Delete
  2. Siguro isa sa dahilan kung bakit tumahimik ang blogosphere ay ang Twitter. May narinig ako dati sa radyo, twitter daw ay isang mini blogging. Nagsusulat ka ngunit may limitasyon. Kaya mahirap na ngayon magsulat para sa iba, dahil nasanay na sila twitter. Doon na sila naglalabas ng kanilang mga naiisip. At instant pa. Post agad. Hehe

    Naiinggit ako sa pahina mo, napaka-active. Sana magawa ko rin. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masarap balikan ang unang mutya na nagpapatibok ng puso. Maraming oras na nilolook forward ko na makipagkwentuhan sa mga kaibigan na blogger. Pero ngayon, masaya ako na mailabas yung mga alaala o minsang mga sumusundot sa utak ko.

      Sulat lang, kaibigang Daniel!

      Delete