Thursday, June 26, 2014

Maraming dahilan

...ang hindi ko pagpaparamdam sayo, Gema.

Nitong nakaraang linggo, kasama ko ang ilang mga armadong kaibigan sa down south. Ito ang pinaghahandaan ko sa nakaraang dalawang linggo bago ang nakaraang linggo. At hindi ko siya kailangan sabihin sayo dahil hindi ko kailangan magpaliwanag.

Kung ano man ang meron tayo ngayon, o kung ano man ang natira na meron sa atin,hanggang doon na lamang iyon. Kung kontento ka dito, dahil kontento ako dito at ayaw kong gawing mas komplikado sa pagkain ng pandesal ang relasyon natin, pwede natin siyang ituloy.

Kung mas hihingi ka ng oras, at mas hihingi ka ng paliwanag, at mas magiging komplikado pa kaysa sa pagkain ng pandesal ang pagiging tayo, sasabihin ko ulit sayo, katulad ng sinabi ko noon na hindi ako ang taong para sa ganoong relasyon.

At oo, eto ay pogi problem.


4 comments:

  1. #abangers #asaness #friendzoned naman si Gema.
    Tulad ng sabi mo, complicated ang tao. Ikaw ang isang living example. Ampogi-pogi mo kasi. Pero sana di dumating sa panahon na kakanta ka ng shouldwouldacoulda, pero feeling ko naman hindi kasi nga ampogi-pogi mo... Hahahaha..

    ReplyDelete
  2. nagutom ako sa pandesal!

    ay Gema, ikain na lang natin yan ng pandesal :)

    ReplyDelete