Minsan sa isang binyag ng anak ng isang kaibigan, ako ang pinag-initan. May kaibigan kasi dun sa grupo na yun na pro-tokhang at pro pagpatay 'pag dating sa mga "users".
Nakwento ko ang tungkol sa karanasan ko sa rehabilation ng mga sinasabi niyang "users" na kung saan, may mga ilan sa mga iyon ang di talaga gumagamit.
Nakwento ko rin ang tungkol sa kung nasaan na sila ngayon, ano ang trabaho nila after nila "makulong". Binida ko syempre ang mga kliyente ko. Although sinabi ko rin sa kanila ang kinahinatnan ng mga bigong matulungan. Para hindi bloated o romanticized development work.
Nakwento ko kung paano multi-faceted ang problema ng kriminalidad na nangangailangan talaga ng koordinasyon ng iba't ibang sangay ng gobyermo at pribadong sektor.
Sinabi ko na kung buong buhay ay mayroon akong pwede ilaban o igugul ang buhay ko, isa ang restorative justice sa dadalhin ko. Sabi ko pa nga, habang may buhay, may kakayahan pang ayusin. May chance pa.
Isa lang ang rebuttal niya na kinatameme ko. Tanong niya, "Bakit ang bait mo sa mga batang yan? Pero sa mga naging ex mo, di mo mabigyan ng second chance?"
Gusto ko sana na magrebuttal na masyadong personal at malayo ang argumento niya sa punto ng usapan. Kaya lang sa isang banda, napag-reflect din ako na hindi pa talaga consistent ang ugali, pananaw at kilos ko 'pag dating sa restorative justice at pagbibigay ng nth chance sa mga tao.
Sir Ops, I know this is a bit weird. Hahaha. My sister is a graduating Arki student and her thesis is prison structure, would you be able to refer any sites or references where she can get good data about local PH prisons? Alam ko sobrang tangential tong question ko.. But still wanna take chances. HAHAHA. Maraming salamat :)
ReplyDeleteHi Yccos. Limitado ang kakayahan ko magbigay sa mga Bahay-Pag-asa. Mukhang ang sinasabi mo ay mga adult jails. Wala akong contacts sa mga ganun.
DeleteNung nabanggit ko nga sa kanya tong entry mong ito, sabi nya, mukhang juveniles daw ang focus mo... Salamat pa rin! Pag-ako na lang mag-thesis next year! Hahahaha :P Juicecolored, gusto ko nang matapos tong adhikain kong ito sa life.
Delete