Sunday, July 1, 2018

Mahal kita kaya honest ako

Nag-usap tayo sa Sarah's. Sabi mo gusto mo klaruhin ang lahat. Pumayag ako makipagkita. Dahil ayoko ng may taong nababagabag dahil sa akin.

Sabi mo, "Red horse?"

Sabi ko, "Superdry ako."

Mahilig ka sa chit chat. Ako, di masyadong komportable. Kaya naubos ko ang isang bote kaagad. Tapos nag ikalawa at ikatlong bote ako.

Ang dami mong small talks. Tanong tungkol sa research ko sa Pampanga. Nagtanong ka tungkol sa huli kong playlist.

Sabi ko na ilang araw ko na pinakikinggan ang Skinny Love ni Bon Iver.

Di ko na kaya 'yung parang awkward na atmosphere. Kaya tinanong ko kung may gusto ka bang linawin.

Ngumisi ka. Tanong mo kung nagmamadali ako. Sabi ko, di lang ako mapakali.

Parang mitsa ng sunod-sunod na putok ng sinturon ni Hudas. Tinanong mo kung ano tayo. Tinanong mo kung ano 'yung ibig sabihin ng mga text messages ko. 'Yung pagbati ko sa birthday mo ng alas dose ng gabi at pagpapadala ko ng punpon ng dilaw na rosas. Tinanong mo kung bakit binigay ko sayo 'yung pinakapaborito kong fountain pen. Tinanong mo kung bakit bigla akong pumunta sa Eastwood nung nalasing ka. At sinalba kita para makauwi ka ng ligtas.

Nabigla ako. Akala ko, tatanungin mo lang ako kung isasama kita sa front row invites ko sa performance ko sa Kia Theatre sa concert nina Bullet, Danao at Ebe. Di ko inaakala na iba pala ilalatag mo.

Naghanda pa naman ako. Sasabihin ko sana na para sa mga magulang ko ang complimentary tickets. Pero willing ako bilhin ang isang front row para sayo kung hihilingin mo. Dahil bukod sa pamilya ko, ikaw lang ang naniwala sa akin bilang musikero. At sana bilhin mo ang ticket dahil mahal siya para ibigay ko sayo. At nag-iipon ako para makaaral sa ibang bansa. Pero okay lang bilhin or hati tayo sa bayad dahil importante kang kaibigan.


Pero ang mga nilatag mong tanong... di ako handa. Dahil sa totoo lang magkaibigan tayo. Ganun 'yun.

Awkward talaga. Nagsabi ako ng totoo. Kasi 'yun ang importante na madinig mo. At 'yun ang pinakatama na sabihin ko sayo.

Pagkatapos ng pangalawa mong SMB, nagpasalamat ka sa akin. At humingi ng tawad sa awkward na mga tanong. Sabi ko, okay lang.

Tinapik mo ang balikat ko at ginulo ang buhok ko. Nagpaalam ka dahil kikitain mo ang kapatid mo, sabi mo.

Sabi ko, ako  na bahala  sa bill natin.

Dalawang linggo mo na akong di sinasagot sa tawag at text messages.

8 comments:

  1. Wow! Salute to Ate for all the tapang she got to ask. At least, hindi na sya mag-overthink nang mahabang panahon... Mahal mo naman sya, diba?

    Over time, I had learned to not to try to "analyze" a guy friend's "acts of kindness".

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maganda naman na kinaklaro ang mga bagay. Pero kapag nagtanong, dapat handa sa sagot. Di ba?

      Delete
  2. dama ko yung kirot sa puso niya. Alam niyang hindi naman dapat niya maramdaman yung nararamdaman niya ngunit, ano ba naman ang puso't kailangan magmahal. masakit lang hindi ganoon ang sinasabi ng puso mo. kung ako siya, nanaisin ko rin magpag-isa muna. susubukan kong mamuhay nang wala ka. at kapag handa na ako, nawa'y nandyan ka pa rin bilang kaibigan ko. tingin ko ganoon ang gusto niyan gawin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I feel that you speak from experience, Mamon. Kaya susundin ko yung payo mong bigyan siya ng oras.

      Delete
  3. Yung mga usapan talagang nagaganap sa Sarah's ano e - malaliman. Klaruhan. Yung mga tanong na kapag tapos mo nang sagutin, mage-excuse ka tas pupunta dun sa makeshift banyo sa likod para magsindi.

    Hindi ko alam, Sir, kung sino ka sa mga musikerong nag-grace ng stage during IISA ng 3D (mahusay kayong lahat), at hindi ko din alam kung bakit ka pa nagtataka na hindi niya sinasagot mga tawag at text mo pero

    bigyan mo siya ng panahon para makausad.

    ReplyDelete