Naging interesting lalo ang usapan noong napasadahan namin ang dalawang termino: menarche (unang buwanang daloy sa mga babae) at spermache (unang paglabas ng tamod sa mga lalaki). Naikwento ko ang una kong karanasan ng wet dream at pati na rin ang una kong nakakatakot na karanasan sa pagsasalsal.
Dahil ako ang unang nagbukas sa mga bagets, naging maganda ang daloy ng paliwanagan sa kung ano ang sinasabi ng mga pag-aaral sa menarche at spermache at ano naman ang kanilang personal na karanasan. Naging malaya at ligtas ang atmosphere at walang kulay o nakakahiyang value ang mga salitang regla, tamod at erotic image.
Nasabi ng mga bagets na noon, wala silang masabihan na matanda. At ang kausap lang nila ay mga ka-edad nila na noon din lang naman naranasan ang menarche at spermache. Napag-usapan din ang mga pamahiin tulad ng:
- Kailangan na lumiktaw ng hakbang sa hagdan sa unang buwanang daloy para maiwasan ang disminoriya sa mga susunod na regla
- Kailangan ipahid sa pimple ang pinagbanlawan ng panty na may regla para hindi dumami ang tagihawat sa panahon ng pagdadalaga.
- Na ang tamod ay maaaring ipahid sa chest at sa chin para mas mabilis ang pagkakaroon ng buhok sa mga parteng iyon.
- Nagpapatangkad ang pagsasalsal.
Tinapos namin ang diskusyon noong may estudyanteng nagsabi na, "Noong binabalikan ko yung karanasan ko ngayon, parang ang babaw lang. Pero noong punto na yun, alam kong totoo ang pakiramdam ng shame.. Hiyang hiya ako noon." Sinabi ko sa kanila na maraming sensitibong bagay na nararanasan ang mga nagbibinata at nagdadalaga na sa ating mga mas matanda, pinagtatawanan natin o isinasantabi. Pero para sa mga binatilyo at mga dalaginding, totoong palundag ang pag-usad ng mga pagbabago sa katawan nila. Na nagdudulot ng iba-ibang emosyon. Hiya. Takot. Gulat. Supresa. Na kaming mga future na propesyonal na magha-handle ng mga indibidwal na nasa ganoong edad, kailangan sensitibo at handa na sumalo at tumulong sa mga kanila.
Sinabi ko na naappreciate ko ang mga bagets sa magandang talakayan.
Habang binabalikan ko ang naging usapan namin kahapon, naisip ko na pwede talagang pag-usapan ang mga maseselang bagay, kung hindi lalapatan ng malisya at klaro sa nagpapadaloy o guro ang values at objectives ng diskusyon.
Hindi ko pa talaga lubos na naisasabuhay ang mapagpalayang edukasyon, pero palagay ko may tapik ako sa balikat kung nakita ni Freire ang ginawa ko kahapon sa klase.
Dahil ito naman talaga ang dapat. Marami lang talaga satin ang nakakahon parin ang isipan, mga nangangailangang lumaklak ng realidad.
ReplyDeleteSo ngayon, alam na ng buong klase ang aking spermache experience. Haha!
Deleteganap nang hubad ang katotohanan. LOL
DeleteNgayon ko lang nalaman yung pamahiin na pagpapahid ng tamod sa chest or chin para mabilis itong tubuan ng buhok :) Mabuti na lamang at hindi ko ito nalaman noon, at mukhang hindi ko rin naman siya gagawin hehehe.
ReplyDeleteNakatutuwa naman ang nangyaring diskusyon sa iyong klase sir! :)
Para daw tong ALS ice bucket challenge. Dapat ikaw na ang sunod na magshare ng spermache experience mo. Haha.
DeleteKidding aside, hindi naman lahat ng tao, ready sa ganung diskusyon :)
Hindi ko alam na may pamahiin pala na ganun. Ang alam ko lang yung tamod daw pag winisik mo sa tubig at lumutang, swimmer daw yun kung sakaling nabuo. hahaha
ReplyDeleteThat must have been a really nice discussion. Ang hirap tanggalin ng malisya. Pero good job nga talaga sa swak na pagset ng expectation sa class.
ReplyDeleteMay spemarche pala. Lol.