Monday, September 15, 2014

Habang kanselado ang klase sa Maynila

Kung buhay pa ang lolo ko, matatawa siya sa agahan ko ngayong umaga --mooncake at kapeng barako.

Si lolo ay purong Tsino samantalang ang lola ko naman ay purong Batangenyang Tagalog. Nagpangita at nagka-ibigan sila noong panahon ng okupasyon ng mga Hapon sa Batangas.

Masalimuot ng konti ang kanilang naging relasyon, parte dahil sa magkaibang kultura na mayroon sila.

Ang habilin sa akin noon ng lolo at tatay ko noong bata pa ako na mag-asawa ng Tsina para buo ulit ang dugo sa aming lahi.

Noon, benta sa akin ang ideyang ito. Pero ngayon, hindi na ako nakakahon sa isang lahi lamang. Mas matindi pa, hindi na ako ganoong umaasa na mag-aasawa. Habang tumatanda, mas nakikita ko na posibleng tumanda ako na nag-iisa pero masaya.

Siguro kung buhay pa ang lolo ko, titingnan ako ng masama kapag nalaman niya itong mga pag-iisip kong ganito. At baka habulin ako ng pamatpat para paluin sa hita. Tatango na lang ako sa homily niya at ipapaubaya sa kanya ang paghahanap ng mapapangasawa ko.

Mukhang hindi naman masama ang ideya niyang buuin ang dugong singkit sa magiging apo niya sa akin. Sa totoo lang, wala na akong masyadong pagpaplano, mapabuhay pagpapamilya o sa propesyon. Kontento ako sa kung ano man ang lumapag sa akin.

Mas masaya nga siguro kung buhay si lolo para magplano at mag-ayos ng buhay ko.

At mas matindi ang pagkamiss ko sa kanya ngayong umuulan at kumakain ako ng mooncake. Naalala ko kasi 'yung umuulan tapos nasa dining area ako ng bahay nina lolo, nag-aagahan ng mooncake at juice samantalang si lolo ay kumakain ng lugaw niya na may mahu.

May ilan talagang pagkakataon na may mga alaala akong bigla na lamang lalabas matapos makalimutan ng matagal. Hindi man halata, ito ay masayang alaala.

11 comments:

  1. Ano nga kaya kung buhay pa ang iyong lolo...
    Baka nga nakapag-asawa ka na ngayon sir :)
    Siguro hindi lang yang kapeng barako at mooncake ang ilalagay mong larawan, marahil kasama ang iyong mahal at anak na masayang kumakain ng almusal (lakas-mag-imagine hehe)

    ReplyDelete
  2. kapeng barako. paborito ko din yan:)
    Anyway, you'll never know, wag magsabi ng tapos. Malay mo, one of these days, bigla mo syang makilala. :)

    ReplyDelete
  3. sobrang hindi pa ko ready sa thought na mawawala na ang lolo ko :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Yccos! Spend as much time as possible with your lolo. :)

      Delete
    2. Yes, do it Yccos. I am so close with my grandparents too. Sayang nga lang at malayo sa mga anak ko ang mga lolo't lola nila in terms of location.

      By the way, di pa ako nakakain ng mooncake.

      Delete
    3. Hi lili. Dapat matino ang matikman mo na mooncke para maenjoy mo.

      Delete
    4. I'll find a Chinese Bakery even if I have to travel to Chinatown in Washington DC just to try an authentic one. I'll tell you about it if that ever happens soon. :)

      Delete
  4. nice post.
    hay wala na rin ang aking parehong lolo.

    ReplyDelete