Friday, November 24, 2017

Pagpepetsa ng pag-ibig

Tinanong ni Mark ang kanyang ama kung kailan siya sinimulang mahalin.

Napaisip ang ama. Natatandaan niya kung kailan sila unang nagkita sa ampunan. Pero hindi niya maalala kung kailan niya sinimulang mahalin ang musmos na ngayon ay bente dos anyos na.

Boluntir ang ama sa ampunan. Alam niyang nandoon si Mark pero mas nabigyang pansin niya ang ibang mga bata.

"Gusto ko sana sagutin ang tanong mo, pero hindi talaga mabigyan ng tiyak na petsa."

Nalungkot si Mark. "Hindi niyo maalala?"

"Hindi."



---------------------------
UNA:
Ito yung entry ko dun sa hamon ng propesor sa klase ko noong highschool na gumawa ng istoryang maikli at bitin.

IKALAWA:
Minsan, para tayong si Mark. Naghahanap ng sagot sa mababaw na tanong. Hehe.


2 comments:

  1. Na-excite ako, akala ko kasi makakasagot ulit ako hahaha :)

    UNA:
    Wala akong ganyang entry.

    IKALAWA:
    Mas pamilyar ako sa mabababaw na sagot ng ilang estudyante, na kahit mga 5-10% lang ang punto papunta sa lesson ay iha-high jump ko pa rin para ma-link sa concept hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sagot sa una:
      Fishery school kasi ako noong highschool. Maganda yung mga programa namin para sa kultura at sining at fishery science kesa klase sa Science at Math. Hahaha. Kaya may ganyan kaming mga assignments.

      Sagot sa ikalawa:
      Gets ko ang high jump na yan sa mababaw na sagot. Ang hirap ako ihandle ay mababaw na tanong mula sa tao in general.

      Delete