Wednesday, August 28, 2019

Everyone aspires to a good life. But what does a “good” (or better) life mean?

Nitong nakaraang linggo, pinag-usapan namin ng mga bagets 'yung tungkol sa well-being. Medyo challenging kasi idefine yung well-being dahil nagbabago o nagkakasalungat kada tao at kultura kung ano ang pakahulugan nito.

Yung isang bagets na nagpresenta ng definition, binanggit niya na at the minimum daw kailangan na kasama ang pag-satisfy ng basic needs, as well as the ability to pursue one’s goals, to thrive and feel satisfied with their life.

So ang tanong ko sa mga bagets, paano mo malalaman na satisfied ka na sa buhay mo?

Ayun, nganga ang mga bagets.

Madami pa ako sana gusto ikwento. Pero isa sa pinaka-tampok ng aming diskusyon ang pagkakaiba natin sa ibang bansa sa idea ng well-being. Sa pag-aaral kasi nina Sycip, Asis, at Luna (2000), noong gumawa sila ng pag-aaral sa buong bansa, ito yung mga nakita nilang components ng Filipino well-being:

  1. respect from family
  2. faith in God
  3. being Filipino
  4. prayer and reflection
  5. love of parents and siblings
  6. regular food
  7. house ownership
  8. security from crime
  9. unity of Filipinos
  10. love of children
  11. long life
  12. peace of mind
  13. doing good to others
  14. good marital relations
  15. being with children
  16. nutritious food
  17. love of spouse
  18. regular water
  19. clean surrounding
  20. share in decision-making.
Gulat kayo? Yung mga bagets ko kasi nagulat. Iba yung definition nila ng well-being. Pati na rin yung mga binasa nila na mga online references, iba ang sinasabi. 

Yung sa atin, halo siya ng pansarili, pampamilya, pangcommunity at pang bansang kalagayan. 

Ito yung warning ko sa mga bagets ng panganib ng pagbabasa ng mga references, kahit pa scientific journal articles yan. Kung wala tayong kamalayan sa pag-intindi kung sino ang kasama sa pag-aaral (respondents), saan (research sites) at kailan ito ginawa (time context), baka tanggapin na lang natin yung mga konsepto na totoo sa atin, kahit naman hindi. 

Challenge sa pagtuturo ngayon na sa sobrang dami ng impormasyon na accessible sa mga bagets, paano nila madi-discern kung ano may halaga, alin ang magagamit at may pakinabang. Hopefully sa semestreng ito, matuungan ko sila magkaroon ng kritikal na lente sa pagsipat ng mga bagay-bagay. 

Sana. 

Ayan, gusto ko lang sana magkwento. Kaya lang mukhang napa-lecture ako. Haha. Pasintabi. 

No comments:

Post a Comment