Dalawang araw na akong hindi nasisinagan ng araw. Bukod sa pangit na panahon, hindi ko gusto makakita ng tao.
Ganito ako kahapon. Nagkulong lang ako sa maliit kong espasyo, may bahagyang usap sa mga roommate. Natulog. Nagblog hop. Kumain. At natulog ulit.
Lumabas ng bahay ng alas siete ng gabi. Nagpagupit ng buhok. Nagbayad sa kahera. Papalabas na ako ng paggupitan ng biglang bumuhos ng malakas ang ulan. Naghintay sandali pero hindi humina ang ulan. Nagdesisyon na suungin ang pangit na panahon. Naaksidente. Nagkaron ng malaking hiwa sa may kaliwang binti. Nakauwi ng bahay na basa at duguan. Nilinis ang sugat. Nagkulong ulit sa kwarto.
Madami akong gagawin sa trabaho. Pero hindi ko ginawa. Gusto ko makipagkwentuhan sa ilang kaibigan. Pero ang nagpaparamdam sa akin yung mga ayaw ko makausap o makita. Gusto kong magtapon ng mga gamit. Gusto kong maglasing. Gusto kong sumigaw.
---------------------------
Hindi ko masyado alam itong pakiramdam ng nawalan ng mahal sa buhay. Bagong karanasan na may malapit sa aking tao na tuluyan ng nagpaalam. Ilang araw din akong umiiyak sa lamay. Pero hindi pa rin nauubos yung pakiramdam na nawalan.
Hindi ako mahilig kumausap ng patay. Pero nagpaalam na ako. Hindi lang mawala ang putang inang bigat sa kalooban na ito.
ala sir sino po ung nawala? condolence po sir
ReplyDeletelabas mo lang yan
Mahirap pero mabuti naman at naisulat mo dito kahit paano, maibsan. Sending my condolences...
ReplyDeleteCondolence po Sir.
ReplyDeleteMedyo mahirap gumalaw kapag mag iniindang sugat o sakit, sana po gumaling kayo kagad. At kelangan nyo na ngang masinagan ng araw. Galaw-galaw din kahit nakakatamad.
Nung isang gabi, naisip ko din uminom kaso di nman to the point na maglasing. Tamang chill lang.
Nung bagyong Maring kahit walang pasok, di rin ako nakagawa ng mga dapat gawin. Di ko magawa. Di kasi ako makatulog dahil sa lakas ng ulan. Nakakatakot.
ser.
ReplyDelete#alammonayan.
I hope writing this helped ease some of your sorrow. Nakikiramay ako.
ReplyDeleteayyy... nakikiramay din po ako ser OP :(
ReplyDeleteIkinalulungkot ko ang nangyari... naiintindihan ko ang nararamdaman mo... nakikiramay ako.
ReplyDeleteSir , friend , favorite kong blogger ,
ReplyDeleteAndito lang me ha
Kulapitot :(
I don't know what to say to make you feel better.. Coz I know nothing can make you feel better
ReplyDeleteAng sabi nila, one way to recover from grieving is to grieve.
You'll get through it. This too shall pass
Condolence ser.
ReplyDelete[tapik sa likod]
nakikiramay ako.
ReplyDeletewhatever it is.. or whoever it is.. kakayanin nyo rin po yan..
ReplyDeleteNakikiramay ako sa yo, Overthinker Palaboy.
ReplyDeleteCondolence sir..
ReplyDeleteNamiss ko tong blog mo. Mag update kana ulit.
Hope ur doing well
condolence sir ops. ngayon lang ulet ako nakablog hop i didn't know u went through a lot of pain lately. hope everything is well now with u. i dont know if resiliency is applicable to this feeling now but i know u will get through this. god bless. kaya yan sir!!
ReplyDelete