Masyado nang masakit kaibigan yung pinagdaanan mo noon. Kaya ka nga umalis at pumunta ng ibang bansa. Kaya nga bumalik ka rin ng Pinas matapos ang isang taon. Kaya nga sinalubong kita at lumiban sa trabaho kahit wala sa tamang panahon at hustong pasabi ang pagdating mo sa NAIA.
Maganda ang bunga ng isang taon mo sa disyerto. Kasama ng buhangin at mga kamelyo. Kasama ng mga taong mabubuhok at mahaba ang mga damit. Mga taong hindi mo kilala at kailanman hindi ka makikilala. Pero alam natin dalawa na ang pagkalimot ay imposibleng gawain. Na kaya lang natin maging mas mahusay sa pagdadala ng nakaraan at masasakit na pakiramdam. At hindi ito madalian. Ito ay proseso sa pagdaan ng panahon.
Sabi mo sa akin noon, Hunyo ka babalik sa Pinas. Hinanda ko ang buong buwan ko para samahan ka sana sa paglulunoy at pagharap sa tinakasan mong nakaraan. Kaya lang sa hindi inaasahan na pagkakataon, Agosto ka na bumalik ng Pinas. At medyo nalulunod din ako sa mga personal na dalahin sa buhay.
Gusto ko sana ikwento sayo na nakilala ko na ang Tunay Kong Pag-ibig. Kaya lang hindi ako ang TKP para sa kanya. At habang penitensiya ko na patuloy siyang mahalin kahit may mahal siyang iba, may nagmahal sa akin na naging syota ko. Hindi ko talaga siya mahal pero naging kami. At ayos lang iyon sa kanya. Pero nitong huli lang nakipaghiwalay na ako sa kanya dahil hindi ako masaya sa piling niya at hindi ko maibigay sa kanya ang pagmamahal na nararapat sa kanya.
Gusto ko sana sabihin sayo na naging saksi ang mga daanan sa Anonas, Gil Puyat, UN Avenue sa masalimuot na buhay pag-ibig ko. Kaya lang alam kong puno pa ang salop mo. At gusto ko lang na matulungan ka sa sitwasyon mo ngayon.
Magkwekwento din ako sayo ng paglalakbay ko. At alam kong magugulat ka sa pagbibinata ko. At sa pagiging talunan sa unang pagsabak sa pag-ibig ngayong yuppie na rin ako. At alam kong bibiruin mo ako na magiging matandang binata talaga ako. At tatawa lang ako.
Sigurado ako na ang buwan ng Agosto ay buwan ng serbesa, kwentuhan ng pag-ibig at palitan ng mga kagilagilalas na paglalakbay bilang mga manggagawa. Baka nga umatras muna tayo pansamantala sa buhay para makabwelo. Ayos lang. Ganito naman talaga ang buhay.

Ganyan talaga ang buhay, minsan ang mga tao o bagay na gusto natin ay hindi mapapa sa atin dahil may iba palang para sa atin. Sa panahong hindi pa natin natatagpuan ang tinakdang mga mapa sa atin, andyan ang ating mga kapamilya at kaibigan (sa post mong ito, ay ang kaibigan) na magpapa saya sa atin - at magpapa isip sa atin na, okay lang to, kaya ko to! aja! :)
ReplyDeleteamen. such a sincere comment. medyo kailngan ko to marinig ngayon. oks na di na nabasa ko na lang. :)
Delete@Zai's comment - *teary eyed*
DeleteSorry anggulo ko magcomment. Medyo tinamaan ng o konti e.kya ayuna
Deleteoyyy kuya Zai, iba ka na talaga! Punong puno ka ng liwanag ng pag ibig. haha
DeleteZai, you're filled with love the past few weeks a.
Deletehaha di naman! May na experience lang ako na nakapag paisip sa akin na minsan siguro ma realize mo ang mga dahilan bakit nangyari ang mga bagay pag lipas ng panahon. Na pwede ka ng lumingon at mapasabing "a, kaya pala!" ayun lang :)
Deleteako man may hinihintay na tao galing sa gitnang silangan... namiss ko sya ng sobra. Pihadong madami na syang di alam sa Manila kaya back to square one sya..
ReplyDeleteTourist guide mode ka ser rix pag dating niya :)
Deletemismo ahaha, pero ayaw ko sya dalhin sa mga kainan imbes na pumayat ako eh baka lalo ako lumusog... aguy!
Deleteokay lang kumain. dagdagan mo lang ang physical activities. work out lang katapat niyan.
Deletewala na ako time 4 na oras na lang ang tulog ko kada araw huhuhu
DeleteNaku parang hindi healthy ang lifestyle mo a. tsk.
DeleteAng pagkalimot ay imposibleng gawain... Kahit magpakalunod pa tayo sa trabaho at gawaing bahay, may mga oras o minutong dadalawin tayo ng sakit ng mga alaala. Sana may gamot dito para hindi na tayo magdurusa sa mahabang panahon.
ReplyDeleteTry watching Eternal Sunshine on Spotless Mind.
DeleteBakit nga ba natin nalilimutan ang mga bagay na kailangan mong maalala at naaalala mo ang mga bagay na gusto mo nang kalimutan?
ReplyDeleteAng bigat sa dibdib nitong post nyo sir OP :(
*teary eyed ulet*
Mas okay na sa akin na madaming bagay na makalimutan --masaya man o hindi :)
DeleteMay tamang panahon sa mga bagay-bagay. at mukhang ang panahong ito ay para sa kasiyahan at katuwaan muna. minsa't nakakawala rin ng lungkot ang makakita ng kaibigan at magpakasaya lang sa piling ng isa't isa.
ReplyDeleteTunay Mamon! Siyang tunay!
DeleteI hate that label. Hindi match! Kelan nyo balak makipag kita ulit sa isat isa?
ReplyDeleteBakit sasama ka? Wala ka namang oras di ba? lol
DeleteBigla ko tuloy na miss ang Pinas sa post na ito... Magbabalikbayan din ako... kakatagpuin mo rin kaya ako? hahaha
ReplyDeleteBaka ser mar. Sa ngayon, mas malapit ang oo kesa sa hindi.
Deletekuya mar, kakatagpuin kita, yung ref magnets ko ah! hahaha...
ReplyDeletesabi nga, the world doesnt stop turning while you weep... tuloy ang buhay hindi man umayon satin ang pagkakataon, ang mga kaibigan, pamilya at mga taong tunay na nagmamahal satin, andyan lang sa tabi, magkakaron ng oras upang makinig at sa bvandang huli, sabay nyong masasambit, "maganda pa din ang buhay at balang- araw, sa hindi inaasahang pagkakatapon, titibok ang puso at magmamahal muli nang lubusan :)"
"the world doesnt stop turning while you weep..."
Delete-may ginawa ditong pag aaral ang kapwa ko faculti. eto ang tesis niya sa master sa sikolohiya. ang ganda ng resulta sa pag aaral niya na mas magpapatingkad sa sikolohiyang pilipino.