May dalawang bagay ka na hindi mo pa nahahanap. Una yung poster mo ni Dao Ming Si na pinilihan pa natin sa Ximending, Taipei para mapirmahan niya. Nawala noong February 21, 2003. Umiyak ka sa akin nun kasi pinag-ipunan natin ang trip sa concert ng F4, yung malapit sa stage at pwedeng magbackstage pass.
Yung pangalawa ay ang una mong kopya ng Si Nemo,ang Batang Papel. Binili mo yun noong Grade 3 ka. Barbie book ang pinapabili ng nanay mo pero yung libro na yun ang pinili mo nung dumating ang trak ng Adarna sa elementary school natin. Kapag binabasa mo yung kwento, sabay natin sinasabi ang, "Bituin, bituin, tuparin ngayon din. Ako'y gawing batang masayahin!" Yang linyang yan ang paulit-ulit sa kwento.
Hindi ko pa kilala si Rene Villanueva noon bilang magaling na manunulat. Di ko pa rin nadidinig ang tungkol sa prestihiyosong Palanca kung saan nanalo yung kwento na yun. Pero gusto mo yung librong yun. At natutuwa akong masaya tayong nagbabasa ng makulay na paper back na children's book na yun.
------------------------------------------------------------------
Matapos bomoto ng eleksyon lang ulit tayo nagkita. Matagal-tagal na rin simula ng binasted mo ako, nag-away tayo, nagbati, naging magbestfriend, nagkahiwalay ng kolehiyo, di na nagkita.
Maganda ka pa rin. Tumataba ako. Pero mabait ka kaya ang bati mo sa akin, "Looking good ka a!" Kung hindi lang awkward ang sitwasyon ng matagal ng di pagkikita, baka na-inlove ulit ako sayo. Ayan sana ihihirit ko pero baka mamisinterpret na may hang ups pako. Kaya kumindat na lang ako.
Kasama ng matamis na palamig at gulaman, nakwento mo sa akin na malapit ka na ikasal dun sa boyfriend mong hindi ko nakilala kasi lagi akong tumatanggi sa alok mong catch up talks. Sa August na pala ang kasal."Ang bilis!" sabi ko. Sabi mo matagal na yun. Hindi lang ako nagpapakita sayo. Ngumisi na lang ako.
------------------------------------------------------------------
"Yang si Kwan ikakasal na" sabi ni ermats. "Lahat ng mga kaibigan mo nagpapakasal na." "Oo nga e," yan lang ang sagot ko.
Tapos tahimik na ang lahat.
------------------------------------------------------------------
"Ako mamimili ng bestman. Ikaw ang bestman ha?" sabi mo sa teks kaninang umaga. Oo kaagad sagot ko. Sa kasal mo, ibabalik ko na yung libro na Nemo, ang Batang Papel na pinatago mo sa akin noon na nakalimutan mong kunin at naisip na tuluyang nawawala.Ikwekwento ko ang tungkol sa sabay nating pagbigkas ng "Bituin, bituin, tuparin ngayon din. Ako'y gawing batang masayahin!"
Natupad na ang hiling mo. At hiling ko.
Wag mong ibabalik yung librong Nemo sa araw ng kasal niya.
ReplyDeletePaano kung bigla siyang higupin ng nakalipas, flashbacks at epic shizzats, biglang umiyak at magsabi sayong, "Nasa'yo lang pala 'to after all this time!"?
Eh di nasira ang bes dey op her layp evah?
Joklang.
Ang kyut lang nung ideyang sa araw ng kasal niya'y iaabot ang mga bagay na iyon: ilang mga alaala ng nakalipas ninyo, nangangantsaw, nagpapatawa. Sarap siguro ng pakiramdam na magkaroon na ng matinong closure bago niya simulan ang pagtatali ng sarili niya sa kanyang mapapangasawa.
Naaliw ako sa panulat mo, Sir! Mapapadalas ang tambay ko dito.
Welcome essaynipayoyo sa espasyo ko. You got interesting blog title. Napatingin ako ng entries kung patungkol san yung mga sulat mo. Haha.
DeleteWagas ang comment ni EssayniPayoyo! haha
DeleteHaha. Siyang tunay!
DeleteEh, teka, krimen ba ang magkomento ng mahaba at feel na feel? Wahahahaha!
Delete(makikiepal) siyempre hindi! (baka kasi isipin mo namumuna ako) mas maganda nga yan. naaliw lang ako kasi sapul yung comment mo sa naisip ko habang nagbabasa!
DeleteMabuti na yung mahaba at feel na feel kesa sa "nice post" at and walang kamatayang "nakarelate ako. nice." haha
Nice thread or commentzZZ.. Aj3j3je.
Deletenaexperience ko ng maging bestman sa kasal ng taong minahal/minamahal.... at pakenambits na life yan, hindi sya healthy!!!
ReplyDeletebuong ceremony ng kasal eh nasa labas ako ng simbahan at nagyoyosi.....
E hindi ako marunong magyosi :) Kaya ayos lang yan. Masaya magmahal ng taong pinalaya :)
DeleteSale sa adarna! Dagdagan mo ng mga bagong books si nemo.. Hehehe... Big books!
ReplyDeleteSan yan? Interesado ako :)
Deletenaiimagine ko lang ang reaction at naiisip mo habang ang iyong kaibigan ay ikinakasal. pero ayos lang yan, somewhere out there may naghihintay sayo kaya go na rin at wag mo na syang paghintayin pa.
ReplyDeleteSer Cyron, wala naman akong planong magmahal o magpakasal. Okay lang ako. Masaya :) Ganyan.
Deleteawts may ex lover turned best man effect! parang ang awkward namana ata nun
ReplyDeletewow ginto un poster na yun nung time na yun dahil kasikatan ng F4 talaga yun haha
parang may lalim pa ung ending ahh
Natawa ako mecoy sa huling parte ng komento mo :P
DeleteHirap takasan ang nakaraan, bumabalik. Hindi ko kakayaning maging bestman sa kasal.
ReplyDeleteIsang honor ang imbitahin na maging bestman. :)
Deleteawww... akala ko political post... pero sad post pala...hyyy... pero cyempre, dapat happy for her ang tamang reaksyon...
ReplyDeletesenyor, umiiwas ako sa pulitika posts :)
Deletebakit naman? hmmnnnn... sa tono mo eh parang exciting to hear political views...
DeleteDi ako mahilig gumawa ng mga straight-cut na editoryal. Okay na ako sa paminsan-minsang reaction. :)
DeleteMakulay ang kwento ninyo, pero hayaan mo makakahanap ka rin ng mas babagay sa'yo. Hintay hintay lang or hanap hanap din paminsan.
ReplyDeleteNaku daddy jay, hindi naman ako nangangailangan. Hindi kailangan maghanap o maghintay. :)
DeleteBittersweet.
ReplyDeleteWell anyway I can say that you're looking good as well! ;)
Sana tinuloy mo yung gusto mong sabihin at ang sweet lang ng pagtatago mo ng book. Kwento ka after wedding!
Bigla akong napatingin sa label. Srsly., pwede nang pang commercial ng Mcdo.
P.S. Walang pang telepathy. :3
1. Talagang pang-aasar ang ikalawang pangungusap? :P
Delete2. May itetelepathy ako tungkol sa entry nato. Soon.
3. Buti natingnan mo yung label.
4. Okay na bang storyline ng commercial? Haha.
bakit kailangang kapag may kinakasal may nalulungkot deep inside...ang unfair ng mundo sa mga totoong magmahal..
ReplyDelete---blogwalking here
virkky mums, naku. hindi ako malungkot. masaya dapat ang lahat :)
Deletemagiging happy ka rin sir ;-) me darating. for now, maging happy ka muna sa kanya.
ReplyDeleteMiss phioxee ganda, happy naman ako para sa.akin :)
DeleteNaaaliw ako sa pagbabasa ng fiction mo. Parang naririnig ko yung boses ni Lourd de Veyra na nagkkwento lang. Tapos di mo mamamalayan, may impit na pala sa dulo!
ReplyDeleteCitybuoy, yung last post mo ang inspirasyon ko sa post nato. :)
DeleteHuwow! What an honor! As in Nora Honor!!! :)
DeleteNice to read that you're happy, for her and for yourself :)
ReplyDeletePabasa muna ako ng Nemo ang batang papel, bago mo ibalik jejeje :)
President zaizai, bili ka na lang ng sarili mong kopya. Lrss than P100 lang yun.
DeleteIhhh sweet and just the right amount of cheesiness hehehe. So sweet of you to keep the book after all these years. Adarna books for the win!!! Although hindi maganda experience ko sa kanila. Nag-order ako ng Madyik Banig. Ang dinilever, Munting Sinag ng Araw. Aheyret.
ReplyDeleteAy. Bad experience nga.. :(
DeletePwede pa natin sila ipabarangay ser glenn.