Monday, May 6, 2013

Hindi pag-ibig ang prayoridad sa tag-init

Bumili ako ng isang malaking electric fan na 70 watts. At sa init ng panahon ngayon, himala na epektibong nakatulog ako sa aking kwarto ng halos buong araw. Ganyang kaswabe ang hangin niya. Sabi ng kasama ko sa bahay, itago ko raw ang warranty. Sabi ko, halos lahat naman ng mga nabibiling appliances parang disposable matapos ang dalawang taon, give or take. Hindi na siya nakipagdiskusyon.

Sa trabaho ko ngayon sa unibersidad, kinaya kong bumili ora mismo ng bagong pampalamig. Hindi malaki ang sweldo ko, pero kumpara sa mga dati kong pinagtatrabahuhan, masasabi kong mas maalwan ang buhay ko ngayon. Mas may seguridad nga magtrabaho sa gobyerno kesa sa pribadong sektor.

Kaya ko na rin tugunan ang gabi gabing malamig na serbesa lalo na kung tinatawag ng pagkakataon. O kaya ang pagbibigay ng maluwag kay ermats ng pera kapag biglang naglambing.

Palagay ko, nagagawa ko ang mga bagay na ito dahil kahit maliit lang ang sweldo ko bilang guro, payak lang ang lifestyle ko. Nagbabaon ng pagkain sa trabaho, kumain sa karinderya kasama ng mga kaibigang drayber at contruction worker, bumili ng damit sa dibisorya, pagtyagaan ang wala ng garter na medyas, at higit sa lahat walang syota.

Sabi ng ermats ko, kaya ko na raw bumuhay ng pamilya. Akala niya kasi dahil nakakapagbigay na ako sa kanya e kalakihan na ang sweldo ko. Akala niya rin kasi, sabik na akong mag-asawa.

Pero sa panahon ngayon na mas nana-narrow down ang field na gusto kong pagtrabahuhan at paglaanan ng halos apatnapung taon ng aking buhay bilang manggagawa, hindi ko naiisip ang pagpapamilya. O pag-aasawa. O pag-aanak. Kung anu man ang mauna. Sakit na nga ng ulo ang mabuhay sa kapitalistang mundo kung saan kelangan kumayod ng kumayod para mabuhay, maghahanap pa ba ako ng ibang iisipin?


Ang alam ko lang sa ngayon, masarap ang hangin na dala ng bago kong electric fan. At hindi ko nakikitang i-share ito sa iba. Sa panahon ngayon, mas importante na may swabeng hangin kesa sa relasyon. Mainit matulog na may katabi sa kama. O kayakap sa parke. O kaholding hands habang naglalakad at nagpapawis ang kamay, braso at leeg. Anytime of the day.

Tatanda nga yata akong binata.

32 comments:

  1. ser, may punto ka. pero pag-ibig parin ang choice ko, kahit di ako ang choice ng pag-ibig.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gusto ko makita magkaron ka ng blog post tungkol diyan ser Olivr. Haha.

      Delete
    2. sige ser, i-push natin yan pag may time

      Delete
    3. Ser olivr, may gusto akong iprivate message sayo. Pano ko gagawin?

      Delete
  2. Siguro comportable ka pa kasi sa buhay mo ngayon, o baka may mga bagay ka pang gustong marating sa buhay. Walang pressure galing sa mga kaibigan o hindi nanunuod ng teleserye. Hay ewan. Haha.

    Pero babala lang ser, pag dumating yang pag-ibig na yan, magbabago ang mga prinsipyo mo sa buhay.

    Makakalimutan mo pati ang electric fan. :)

    ReplyDelete
  3. haha agree naman ako minsan nasa lifestyle din yan!
    dame ng rereklamo na di sapat ang budget nila per kung titignan mo naman ee
    walang pakundangan sa luho nila haha
    at magastos talaga ang mag ka gf

    ReplyDelete
  4. Kailangan kasing makahanap ka ng pareho kayo ng prinsipyo at magtutulungan mabuhay. Karamihan kasi kapag nagasawa na, feeling nila ikaw na ang aako ng kanilang responsibilidad.

    ReplyDelete
  5. Naniniwala ako na ang pag-ibig ay kusang dumarating kahit di mo hanapin. Wag madaliin. Enjoy enjoy din ang pagiging single pag may time hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede din naman wala ng pag-ibig. Peste yan sa buhay. lol

      Delete
  6. Ayee! Sinabi ko rin yan noon sa sarili ko. Pero pagtumibok talaga ang puso natin ay talagang mahirap pigilan. Ok naman pala kay ermats mo e. Pagtumibok ang puso mo sir ishare mo sakin ah.

    Anong brand ng elektikpan mo ginoo? Makabili nga din nyang baka sakaling manlamig ako. hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Fukuda ang brand ser. Malaki. At makunsumo sa kuryente. Hahaha. 50 watts ang usual kasi.

      Naku ser archieviner, hindi na papatibukin ang pusong ito. Peste ang pag-ibig. Ahahay!

      Delete
  7. Hahaha! Natawa ako dito. Naalala ko ang komento dati:

    "Maghanap ng gf na may aircon."


    Enjoy your life. Enjoy your new electric fan. Enjoy your summer.

    ReplyDelete
  8. "Ang alam ko lang sa ngayon, masarap ang hangin na dala ng bago kong electric fan. At hindi ko nakikitang i-share ito sa iba." - Pag dadamot ba ito ng electric fan? :P

    Pangarap kong mag karoon ng payak, simple at payapang pamumuhay kapag ako'y naging independent na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo. Pagdadamot yun.

      Kung payak, simple at payapa ang pamumuhay mo ngayon, mas malaki ang tsansa na ganun din ang buhay mo pag independent ka na ser pao.

      Nakakatawa ang komento shiz natin dito. Seryoso.

      Delete
  9. I guess you just have a utilitarian point of view. Wag lang masobrahan dahil baka mawala ang romanticism sa buhay mo. Wala din naman masama. Kung masaya ka at kuntento sa ganyan, at kung sa tingin mo ay hindi mo kailangan ng asawa o ka-live-in o fb o kabit sa buhay dahil hindi naman yun necessary sa purpose ng existence mo eh wag mo na lang pilitin ang sarili mo.

    Naniniwala din ako na ang pag-ibig walang pinipiling edad, ang pagaasawa ay hindi lamang para sa mga mangmang na kabataan. Love and marriage can happen even at the age of 80.

    Sabagay, kaya hindi din ako makasabak sa isang relationship eh todo bigay naman ako sa gastos sa sasakyan, insurance ng kotse, at ng insurance ko din. Nagiisip pa nga kung paano makakakuha ng extra money. Mabuti nga din yang sayo at secured na ang trabaho mo. Hindi ka laging alinlangan every three months or three years. At the same time, nagpapasweldo na rin yata sila on time.

    ok naman din ang single life di ba? Basta wise spending at spartan living, at paminsan minsan na good time. Na eenjoy pa naman ang buhay.

    Pero iba ang Italy eh. Sa Pinas mainit kaya mas kailangan mo ng electric fan kaysa sa kayakap. Dito malamig. Hindi sapat ang kumot. Minsan kailangan ko din ng kayakap. Weh!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Welcome back Mr. Tripster!

      Mas masarap ang kumot kesa kalambingan. Hindi komplikado ang mga objects na inanimate.

      Delete
  10. Hindi ko pa rin nya naiisip. Enjoy enjoy lang muna habang wala....kasi naniniwala akong may darating kahit mo pa hihilingin. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser empi, hindi ko hinihiling. At naway hindi ako matagpuan. Haha.

      Delete
  11. Isang napakalaking biyaya ang electric fan ngaying mainit ang panahon, anu pa kaya kung aircon yan.

    ReplyDelete
  12. Congrats kasi alam mo kung ano yung gusto mo at hindi ka nakikisabay sa kung ano ang idinidikta ng society sa atin (nagpapakalalim lang LOL). Enjoy life, be it with someone or just yourself lang. Ang mahalaga naman eh kung san ka masaya. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. Hindi lang naman siya tungkol sa pagiging masaya. Palagay ko wala naman masama sa pagiging hindi naghahanap ng makakasama/ asawa.

      Masaya ang buhay! At welcome sa espasyo ko :)

      Delete
  13. Pag tag lamig lang..

    ReplyDelete
  14. Sang ayon ako sa'yo. may higit na mahalagang bagay sa tag-init na kailangan pag tuunan ng pansin.

    sang-ayon din naman ako kay jlapis, sa taglamig yan magandang isipin. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mamon, hahahaha. So ineexpect ko makaranig sayo ng harutan pag dating ng taglamig?

      Delete