Kanina yung huling pagkakataon na kausap ko yung mga magulang ng mga chikiting ko ngayong taon. Bigay ng card, bigay ng dalawang pahina ng naratibo kung paano umunlad ang kanilang anak sa iba't ibang aspeto. Bigay din ng mga gamit nila sa paaralan na hindi nagamit at hindi naubos.
Kanina yung huling pagkakataon na ikwento ko sa mga magulang kung paano ako natuwa, natawa, nahirapan at lumago bilang guro ng mga anak nila.
Dahil lilipat na ng big school ang mga chikiting, natanong ko na rin ang plano ng mga ermats at erpats kung saan nila ipapasok ang mga bata. Syempre, bigay din ako ng suwestyon ko kung saan swak pumasok ang anak nila base sa personalidad at kakayahan. May mga bata kasing mas swak sa tradisyonal na paaralan. Meron din naman mas uunlad sa mga progresibong paaralan. Meron ding mangilan-ngilan na bata na pwede mapakahit saang paaralan.
Ang pinagpapasalamat ko sa Diyos ngayon ay napakatutok ng mga magulang sa mga bata at sa mga gawain sa paaralan. At nakuha nila ang pilosopiya ng paaralan na pinagtatratrabahuhan ko. Alam nilang hindi kami purong akademik --yung basa, sulat at bilang ang tanging pinagkakaabalahan, bukod sa pag-aaral ng Ingles. Pokus namin ang pagbibigay ng solusyon sa mga problema, pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip, pagkakaroon ng mabuting asal, pagpapahalaga sa pagbabasa at pag-aaral at pagiging malikhain.
Ang mga bata ko ay hindi kahon kung mag-isip. Hindi kami naniniwala sa iisang solusyon lang. Naniniwala kami na maraming paraan na pwedeng tingnan ang mga bagay at dahil doon, iba-iba ang paraan ng pagresolba. Gagamit kami ng syensiya at kaalaman para tulungan kami magdesisyon pero hindi kami lilimitahan nito. Sa mga bata ko sa priskul, okay lang ang magkamali. Basta natututo. Hindi kami mahilig sa produkto. Mas namamangha kami sa proseso.
Ganyan ang mga chikiting ko ngayon na hindi ko na makikita sa susunod na taon. Pero panatag ang loob ko kasi maganda ang naging bunga ng taon nato dahil maganda din ang partnership namin ng mga magulang.
Itong taon na ito ay isang masayang taon bilang isang priskul titser. At ang role na ito ay pansamantala ko munang huhubarin at iisang tabi. Hindi muna ako magtuturo ng mga bata sa susunod na taon. Isa yang biglaang balita na napagkasunduan kamakailan sa departamento ko sa unibersidad.
Na naikwento ko rin sa mga magulang. Na kinagulat din nila. Pero kasabay ng pagsasa-isang tabi ng role na ito ang pag-iiwan nila ng mabubuting panalangin para sa ibang trabahong nakaantabang sa akin para sa susunod na taon.
Madaming surpresa ang buhay. Maganda ang buhay.
Gusto ko na ding huminto sa pagtuturo pero nagiisip pa kung ano ang maaaring gawing hanapbuhay. Good luck sa iyo!
ReplyDeletesalamat ser jonathan!
DeleteNakakatuwa naman. Nakakainspire ang malaman na dahil sa sikap ng guro ay panatag sya sa mga tatahaking landas ng kanyang mga estudyante. Sana lang ay di sila maligaw ng landas. Kudos Sir!
ReplyDeletemasyado pang bata ang mga preschool kids ko para maligaw ng landas :P
Deleteehehe Sir sa magandang landas naman sila mapupunta ikaw ang teacher eh :D
Deletepast tense na ginoo. naging teacher :)
Deleteay uu nga pala, ikaw ang naging teaher nyahaha.
Deletenaku ser rix, ang balarila sa filipino dapat mong balikang :P
Deleteisa na yang pandiwang pangnagdaan.
dapat nga siguro, kailangan ko na ng refresher ngayong magbabalik estudyante na ako :D
Deletemaenjoy mo sana pagbabalik estudyante.
DeleteUu nga ineenjoy ko nga ang bakasyon :D
DeleteAng saya isipin na kahit sandaling panahon lang kayong nagkasama ay andun ang concern mo sa kahit hindi mo na sila estudyante. Tingin ko yun ang isang mahalagang katangian ng isang guro, bukod sa pagtuturo ay may pagpapahalaga at pag mamahal ka sa kanila.
ReplyDeleteGood luck sa magiging bago mong trabaho, sana kasing saya :) AT tama! Maganda ang buhay, enjoy lang ng enjoy :)
salamat ser zai!
Deleteidol na kita ser. andami sayo ang naiinspire.
ReplyDeleteser olivr, mas idol kita. sobrang tipo ko ang blog mo! seryoso.
Deletehaha. sige ser, sabi mo e. matutulog na ko at mamaya na ang malaking araw na inantay ko nang matagal. XD
Deletesabay ba? umaga ang college at hapon ang univ grad? enjoy the sablay experience!
Deleteuu ser. pero ndi ako pumunta ng college grad kanina. haha. mas uso kasi ang univ grad samin di tulad sa inyo.
DeleteOo nga. Napuntahan ko ang college at univ grad sa elbi. Mas patok ang univ grad diyan. Dito mas masaya ang college grad. Nakakatamad sa univ grad ng diliman.
DeleteNapaisip ako sa kahon. Kung ganyan ang ideolohiya ng lahat ng guro, mas magagaling ang mga estudyanteng grumagradweyt ngayon.
ReplyDeleteMabuting swerte [Goodluck haha] sa bagong stage ng buhay ser!
Hindi ba, pagbati ko'y samahan kayo ng swerte dapat? Hahahaha
DeleteSalamat ser Gord!
iba talaga ang inspirasyon na hatid ng isang guro. at nagulat naman ako at hindi ka muna magtuturo ng chikiting
ReplyDeleteUtos ng mga boss e.
Deletemas maganda talaga kapag may partisipasyon ang magulang sa mga guro nu!
ReplyDeletewell job well done sir congrats!
Oo naman. partnership talaga dapat yun ng bahay at ng paaralan. Mas madaming oras kaya ang ginugugol ng mga bata sa bahay :)
Deleteat ilang tulog na lang, pasukan na naman ser :/ kainesh
ReplyDeleteButi ka nga ser mots, nakabakasyon na. kami yata walang teacher's leave. politics shiz.
Deletesiguro masaya maging preschool teacher.
ReplyDeleteNaku. Kulang ang salitang masaya para idescribe ang abot batok na ngiti ko araw araw sa mga bata.
DeleteKung ganito lahat ang teacher for sure its more fun in the philippines...lol
ReplyDeleteKaya I'm thankful to God na sa probinsya ako nag aral kc mas maganda ang method nila at my interaksyon tlga ang mga magulang at teacher for the good of the child education:)
Kung babae..c Mila ang dakilang teacher! ano kaya pag lalake? lol
paglalaki, si ser mots ang bida. si overthinker palaboy, sidekick ni ser mots. haha
DeleteButi at napakapositibo mo pa rin sa buhay ser. Ipag patuloy. :)
ReplyDeleteYung huling pangungusap, parang note ng teacher sa report card ko nung elementarya.
DeleteLakas makagood vibes ginoo. Isa kang inspirasyon :)
ReplyDeleteWow ser. Napabisita ka :-)
Delete