Tuesday, April 23, 2013

Resulta ng ebalwasyon ng mga bagets sa akin

Reader, this is to warn you that this post is narcissistic.

Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang resulta ng mga online na ebalwasyon sa akin bilang guro sa kolehiyo ng mga bagets. Bukod sa quantitative na basehan, eto ang qualitative na resulta.



May mga pasaway pa rin na mga estudyante na hindi nagsagot ng online evaluation. Syempre, hindi mate-trace kung sino ang nagsagot at sinong hindi. Ganyan ko kagusto ang sistema ng aming sa unibersidad. May proteksyon sa mga bagets.

Isang bahagi lang ito ng kabuuang resulta. Yung numerical basis, hindi ko na isinama.

Palagay ko mas epektibo ako ngayong semestre dahil pinakinggan ko ang komento at suwestyon sa akin ng mga bagets noong unang semestre. May mga bago akong teknik sa pagtuturo at ilustrasyon sa pagpapaliwanag ng konsepto.

Syempre bilang guro, hindi lahat ng suwestyon ng mga bagets sinunod ko. May nagkomento kasi noong unang semestre na dapat walang assignment at mga papers. Haha, alangan naman sundin ko yun.

Ngayong semestre, meron akong walong pahina na silabus. Maraming marami akong mga papel. At lahat ng iyan ay binabasa ko at binibigyan ng komento. Marami akong outside classroom activities. Wala akong mga quizzes pero gumawa ako ng exams na sadyang sisipat kung may natutunan ba ang mga bagets. Sa mga naging estudyante ko ngayon, wala akong binigyan ng uno, isa lang ang naka 1.25. Tatlo ang nakasingko. At isa ang kwatro.

Masasabi ko na hindi ako madaling guro. Pero tiyak ko na hindi ka lalampas sa akin na pumasa pero walang natutunan. At syempre nandun ang pag-eenjoy at pagtawa sa proseso ng pag-aaral.

Ayan. Ang resulta ng ebalwasyon ng mga bagets sa taas ang magpapakita na bagamat isnab ako at seryoso sa espasyong ito, mas masaya at mas energetic ako sa tunay na buhay.

37 comments:

  1. Pinapansin mo naman ako dito ser, kaya di ka naman talaga snob. haha.

    binabati pala kita para sa isang produktibong semestre, ginoo. anlaking tulong ang magandang performance ng isang guro para sa ikabubuti ng ating bayan. nawa'y mas marami pang ipanganak na mga magigiging tunay pag-asa ng bayan. at para mangyari yun, sana dumami muna ang mga gurong kayang pangatawanan ang kanilang sinusumpaan. bow.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser Olivr, malapit na ang paglalakad mo ng nakasablay! Masaya ang Univ grad na nasaksihan ko last year. Wag kakalimutan iblog ha.

      Congratulations ulit!

      Salamat sa kind words. Uy, magturo ka rin sa unibersidad!

      Delete
    2. Onga ser. Ilang kurap na lang, mamartsa na ko. Salamat po! XD

      Delete
  2. I can really sense how effective you are as a teacher the way your students have expressed their words toward you.

    And I like the thought of you "being fun to be with" na teacher. Mahalaga yun sa isang guro na marunong magbitaw ng humor sa mga students niya especially if the subject/s is/are too boring to discuss.

    I can relate to it very well bilang isang naging Grade School teacher din few years back. Saludo ako sa mga teachers lalo na sa mga super responsible ones. Many teachers give their all even to the point of being selfless just to see their students learn and grow as a person of good character.

    Maraming salamat sa isang katulad mo. Sa mga guro kadalasan nagmumula ang magandang resulta ng mga good leaders natin ngayon. Dahil sa pag hulma ng karakter ng mga bata ay matiyagang pinagpaguran ito ng mga guro.

    Mabuhay ka Sir!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat ser JJay.

      Mortal na kasalanan ng guro gawing boring ang subject.

      Pero hindi naman na laging masaya ang mood sa klase. Minsan umiiyak sila dahil mapula na ang mga papel nila pagbalik.

      At masarap magturo. At masarap makita na may nag eenjoy mag aral.

      Delete
  3. Sa totoo lang nakaka-motivate talaga ang mga komento ng tao sa ginagawa mo. Minsan kasi kahit na gaano ka nai-stress sa trabaho mo basta nakikita mo na na-aapreciate ng mga nasa paligid mo ang ginagawa mo eh nakakawala ng stress :D

    Isang puno ng buhay na goodjob sa iyo Sir OP :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat ser rix.

      Totoo, malaking pat on the back ang affirmation nato.

      Delete
    2. Totoo po, Minsan ng di mo na kailangan ng madaming ganito kasi kahit na 2 o 3 lang an nagsabi na ang galing ng gawa mo ang sarap sa pakiramdam :D

      Delete
    3. ayan ay kung sincere. pwede din kasi na bola lang siya :P

      Delete
    4. Ehehe sa akin kasi yung 2-3 na yun eh mga ka-close ko sa opisina kaya in a way eh sincere naman kasi kung hindi.. yari sila ahahaha.

      Delete
  4. ang husay ser!!! damang dama ng mga estudyante ang pagiging mabuting guro mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser Bino, ginawa nila ang ebalwasyon bago nila makuha ang grade. Hahaha. Baka sinumpa na ako ng mga iyan after :P

      Delete
  5. sa huling parte ng semestre nakakabawi ang mga mag-aaral sa mga kinaaayawan nilang mga guro. batid naman sa mga komento sa ebalwasyon ang pagkagusto nila sa istilo ng iyong pagtuturo. kitang-kita rin ang aral na naibigay mo sa kanila.

    orayts, congrats!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maganda yang pagbawi na yan! Kasi feedback siya sa nagtuturo. Parte ng learning process din namin yan bilang nagtuturo.

      Mas madugo yung comments sa akin last sem. Iniisip ko kung ipopost ko siya. Hahaha XD

      Delete
    2. naalala ko tuloy yung dalawang paborito kong propesor noong college ako. matapang, kaya raw nila ibagsak ang karamihan kung trip lang. tenured na kasi at hindi naman sila gumagawa ng ganoon.

      haha di lang nila gets ang mga gusto mong matutunan nila ser

      Delete
    3. Hayayay. Speaking of tenureship, di ko alam kung matetenure ba ako. Haha. Di pa naman ako nag aapply. Haha. Exciting. Nga pala, ser traceable yung google plus mo sa ibang social networking site. :-)

      Delete
  6. "Masasabi ko na hindi ako madaling guro."

    ...dahil hindi rin naman madali ang dinaanan mo para maging isang mahusay na guro.
    ang departamento kung saan ka nagtuturo ngayon ang nagbukas sa akin para gumawa ng makabuluhang bagay para sa ating bayan (lalo na sa pamilyang Pilipino). maraming salamat sa patuloy na pagbubukas ng isipan ng mga kabataan para tunay na maglingkod sa kapwa at sa bansa.

    kudos!

    ReplyDelete
  7. sana lahat ng titsers eh katulad mo? yung nagiging inspirasyon ng mga estudyante?
    may nagiging titser din ako noong high school na sobrang hinangaan ko. sobrang terror na titser pero talagang hindi ka pababayaang umuwi ng bahay ng wala kang matututunan.

    titser sa loob ng klase at kaibigan sa labas ng paaralan...
    :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Palagay ko hindi naman ako terror. Hahaha. Firm and consistent lang. Hahahaha XD

      Delete
  8. so flattering naman...kakataba ng puso...sana may negative din...hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ngayon ikalawang semestre ay wala. Pero noong unang semestre, meron :)

      Delete
  9. wow i must say magaling ka ngang guro kasi kung hindi kunganu anu na lang sinubmit nila dyan
    since anonymous naman sila right? parang trip kita makita magturo! haha

    ReplyDelete
  10. maka sit-in nga sa klase para maevaluate ang galing! chos! yan lang nagpapatunay na sa luob ng apat na sulok na yun naging epektibo kang guro sa kanila!

    painom na sir!

    ReplyDelete
  11. Ang sarap ng feeling when you get positive reviews.

    Good job, Sir.

    ReplyDelete
  12. ngayon alam ko na, na isa kang FUNNY na nilalang at hindi itong nasesense kong sa blog mo na emo ka. hahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha XD sabi ko sayo wag ka masyadong magpapaniwala sa mga posts ko :P

      Delete
  13. kung maka social work talaga eh! lol congrats sir!! all the way!! keep it up!!! cheers!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat miss lalah. uy, di social work ang tinuturo kong subject ha :)

      Delete