- Sana mas palakaibigan ako.
- Sana laging maulap ang panahon.
- Sana may sarili akong kotse
- At sariling drayber.
- Sana lahat ng taxi ay malakas ang aircon.
- Sana lahat ng taxi ay hindi amoy paa.
- Sana mas masipag ako.
- Sana hindi nauubos ang shampoo at toothpaste ko.
- Sana may kontrol sa bilis ng paghaba ng balbas at bigote.
- Sana hindi na ako nagdalawang isip bilhin ang aircon nung isang araw.
- Sana walang bumabagsak sa klase ko.
- Sana walang jeep ng pulitikong nagpapatugtog ng campaign jingle kapag Sabado.
Saturday, April 20, 2013
Habang hinahabol ko pa ang deadline ng narrative reports
na sinusulat ko, naisip ko lang na meron akong wish list.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ay super agree ako jan sa wish number 12. nakaka disturbo na kasi yong malalakas nila audio tuwing dumadaan yang sasakyang ng pulitiko.
ReplyDeleteako nangako ako na hindi ko iboboto ang mga kandidatong nagko-contribute sa noise pollution sa lungsod. hahaha
Deleteslash wag ring iboto ang namimigay ng pagkain at may patulong pang nalalaman.
DeleteTama. Ser cyron, marami akong kilalang ganyan last election.
Deleteokay lang yung di palakaibigan basta madaling lapitan lang. at wish ko din yang number 12
ReplyDeleteThoughtless behavior, salamat sa pagdaan. Isnab akong tao in general. Hahaha. Kaya di ko masagot kung madali ba akong lapitan o hindi :P
Deletehaha nice sana nga sir! haha hay naku dame ko din sana!
ReplyDeletehaha pero ayun gang sana pa din naman sya till now haha
Yang "sana" na yan ay mga afterthoughts. Isa isa nating tutuparin yang mga yan ser mecoy.
DeleteSana mas palakaibigan ako. - ingat ingat din ser sa pagiging palakaibigan kasi baka maabuso ng mapagsamantala.
ReplyDeleteSana laging maulap ang panahon. - oo nga ung tamang init at lamig lang.
Sana may sarili akong kotse - may kotse ko dati, nakay tatay na hehehe.
At sariling drayber. - driver ko best friend ko dati.
Sana lahat ng taxi ay malakas ang aircon. - agree! ung iba, sana nagfan na lang hahaha.
Sana lahat ng taxi ay hindi amoy paa. - o kaya amo'y bagoong alamang. minsan amoy lpg.
Sana mas masipag ako. - same here!
Sana hindi nauubos ang shampoo at toothpaste ko. magastos ako sa toothpaste. sa shampoo sakto lang.
Sana may kontrol sa bilis ng paghaba ng balbas at bigote. oo nga. sana every month lang ang paghaba hahaha
Sana hindi na ako nagdalawang isip bilhin ang aircon nung isang araw. - dapat bibili din ako ng aircon kahapon eh. inisip ko lang yung kuryenteng babayaran ko hahaha.
Sana walang bumabagsak sa klase ko. - sana nga po .
Sana walang jeep ng pulitikong nagpapatugtog ng campaign jingle kapag Sabado. - dito sa amin wala.
ingat ingat din ser sa pagiging palakaibigan kasi baka maabuso ng mapagsamantala. _Okay lang maabuso kasi nagtitiwala kesa hindi naabuso kasi paranoid na baka samantalahin :)
Deleteoo nga ung tamang init at lamig lang. _kahit pa noon, maulap at mahangin na panahon ang paborito ko :)
may kotse ko dati, nakay tatay na hehehe. _wow! idol na kita ser bino!
driver ko best friend ko dati. _makapaghanap nga rin ng kaibigang pwede ako ipagdrive at pwedeng on call.
agree! ung iba, sana nagfan na lang hahaha. _sa panahon ngayon, namimili na ako ng taxi na sasakyan ko.
o kaya amo'y bagoong alamang. minsan amoy lpg. _nagbibigay ako ng malaking tip sa mabangong sasakyan. hahaha XD
same here! -laging parang kulang di ba?
magastos ako sa toothpaste. sa shampoo sakto lang. _ako tamamd bumili ng toiltries. sa mga kaibigann ko ako umaasa sa pagbili ng mga ganyang shiz.
oo nga. sana every month lang ang paghaba hahaha _parang pagpunta lang sa barberya
dapat bibili din ako ng aircon kahapon eh. inisip ko lang yung kuryenteng babayaran ko hahaha. _ako dahil may kahati sa bahay, mukhang magkakagulo kami sa bill kung paano isesettle. alangan naman mag aircon ako tapos hindi ko sila papagamitin. tapos ako pa rin magbabayad. hahaha
sana nga po . _meron e. ayoko magbigay pero sa ganung klaseng output, hindi ko matotolerate mediocrity. kahit buhusan ko pa ng pagmamahal at pag initindi ang grades nila, nagsusumigaw ang output nila ng singko.
dito sa amin wala. _Private subdivision kasi kayo kaya hindi pwedeng pumasok. maralitang tagalungsod lang ako ser bino.
ay may bumagsak sa students? kalungkot naman.
Deletemeron. first time ko magbigay ng singko sa tatlong bagets. masakit sa loob.
DeleteAnd so are you, #1.
ReplyDeleteNumber 11?
sa number 1, hahayaan kong ikaw sumagot ser pao ng tanong mo.
Deletesa number 11, meron pa ring mga bumagsak. lima sila originally. matapos ang fermentation process ko, 3 ang singko, isang kwatro, isang pumasang awa.
at natawa ako sa number 6 kasi i am so mean minsan kapag may ganong taxi hahaha sinasabi ko talaga ang baho eh. ayoko kasi magtiis ng magtiis sa amoy ano! helllerr!! hahaha ang sama ko lol
ReplyDeleteNoong isang araw nga, nung nakapasok ako ng mabangong taxi, nasabi ko: "Magsiluhod po tayong lahat para magpasalamat sa isang malakas ang aircon at hindi amoy paang taxi. Amen"
DeleteTumawa si Manong at naging swabe ang byahe ko. May malaki siyang tip dahil hindi siya nag-tune in sa AM radio station, at hindi niya ako pinilit makipag usap sa kanya tungkol sa mga conspiracy theory niya sa gobyerno.
1. Idagdag mo na ako sa new friends mo, friendly naman si Daddy Jay eh hehe
ReplyDelete2. Parang di yata ako papayag na lagi nalang magiging maulap hahaha..balance balance din pag may time hehe
3. Siguro NEED mo siya kaya ina ambition mo, PERO sa akin di ko prio ang car kahit na may pang installment naman ako to buy kasi di ko naman siya need as of the moment.
4. Wow, sariling driver hehehe, dito sa KSA may sarili kaming driver hehehe, driver ng limo na suki namin hahaha
5. Speaking of taxi na may malakas na aircon - tsk, tsk, di siguro mangyayari diyan yan unless high end ng taxi ang nasakyan mo. Mahal kasi ang gasoline diyan eh hehe
6. Wow, amoy paa? Mas lalo d2 among ibang lahi ang loob ng taxi kasi mga ibang lahi ang driver hahaha, naghalong amoy paa at amoy ibang lahi, partida di ba hahaha
7. Sa tantsa ko naman mukhang masipag ka naman eh, Hmmm..kaya kaibiganin mo na ako para maambunan ka ng kasipagan ko (biglang binuhat ang sariling bangko) lols
8. Ah dito kelangan mo ng magpatayo ng factory ang shampoo at toothpaste hehehe
9. Hahahaha, baka may hair controlling cream na avail sa market, magtanong tanong din pag may time hehehe
10. Sa naririnig ko na sobrang init diyan, dapat nga di ka na nag 2nd thought kaya bumalik na sa tindahan ng aircon at bilhin na hehehe
11. Dapat lahat masisipag para iwas bagsak. Kahit sa attendance na lang perfect ok na yun hehehe
12. Wow, politics a hot topic to indulge in. hahahaha
1. Ayos naman tayo ser JJay a.
Delete2. Ayan. May komontra na. Pagbigyan mo na ako. Wala ka naman sa Pinas e. :P
3. Nauubos pera ko sa taxi.
4. Ayaw ng erpats ko na nagmamaneho ako. Ganyang shiz.
5. Maraming malakas na aircon na taxi dito sa Metro Manila. Kelangan lang hintayin na dumaan.
6. Kanya-kanyang problema sa kanya-kanyang lugar.
7. Oo. Masipag ako. Kaya lang nakakatamad nang maging masipag.
8. Mahal kasi diyan ang grooming shiz.
9. Ang gusto kong regulation yung de-remote control.
10. Magkakaproblema ako sa paghahati ng bill sa bahay. I'm have several housemates.
11. Minsan sipag ang kelangan. Minsan respeto. Minsan pagiging responsable. Mga bagay na kulang sa ilang mga bagets ngayon.
12. Hindi siya bilang isang pulitikal na paksa ser. More on patungkol sa akin yan. Ako at ang aking himbing sa pagtulog na nagagambala ng ingay nila. Hindi ko cup of tea ang political shiz :P
ako din madaming...sana... :)
ReplyDeleteiblog na yan! :)
DeleteNapakagandang wish list! Hindi ko lang gusto ang #2. Mahilig ako magbilad sa araw. Ewan ko ba.
ReplyDeleteAng weird lang. Nung isang araw, maulap. Pero yung araw na yun yata ang pinakamaalinsangan na araw na na-experience ko.
Ayaw mo ng maulap kahit ganito kainit na ang temperatura?! o.O
DeleteSer Peter, palagay ko lagi kang nasa airconditioned room ano? :P
For numbers 3-4-7-9.. sana ako rin ^_^
ReplyDeletemga pareho nating problema sa buhay. :P
Deletesana nga hindi amoy paa ang mga taxi. hayop.
ReplyDeleteewan ko ba ser chee kung anong misteryo ang bumabalat sa mga foot-scented taxis.
Deletegusto ko yung number 9.. para sa balbas at bigote ko... hihihi..
ReplyDeletelaki talaga ng problema nating mga lalaki :P
Delete