Tuesday, May 28, 2013

Selfie

  1. Nagpapahaba ako ngayon ng balbas. Nagpapahaba din ako ngayon ng buhok. Kumukulot na yung buhok ko sa bumbunan. Pero tuwid pa rin ang sa balbas. Bukas makalawa, makakatanggap na ako ng memo mula sa mga boss na mag-ayos ng sarili. Bukas makalawa, isheshred ko lang yung memo na matatanggap ko. 
  2. May palihan ngayon sa unibersidad tungkol sa teaching effectiveness. Matatalino ang mga guro sa unibersidad. Ayan ang unang dahilan kung bakit sila naha-hire. Pero gusto ng unibersidad na hindi lang matatalino ang mga guro nila, dapat magagaling at epektibo din. Dahil sa mga units ko ng Eduk noong una pang panahon, para lang ako nagrerebyu. Ang naeenjoy ko ay makipagkwentuhan sa ibang guro mula sa ibang kurso. 
  3. Malapit na akong magbakasyon sa Singapore. Sabado na alis ko. Apat na araw na bakasyon. Bago sumabak ulit sa trabaho. Any tip?
  4. Nag-iisip na ako lumipat ng bahay. Nangangati na ulit ang paa ko na maghanap ng ibang lugar na lilipatan. Sa karanasan ko, dalawang taon lang pinakamatagal ko bago ako magsawa ng lugar na titirhan. Pangatlong taon ko na sa apartment. 
  5. Napahoard na naman ako ng apat na libro. The perks of being a wallflower (Stephen Chbosky), Hocus pocus (Kurt Vonnegut), God bless you, Mr. .Rosewater (Kurt Vonnegut) at The double (Jose Saramago). Holer to Going Guderian!
  6. Katatapos ko lang basahin ang Kafka on the shore ni Haruki Murakami. May pusa na nagsasalita. May mga taong kausap ang bato. Umuulan ng leeches mula sa kalangitan. At may binatang nainlove sa kanyang ina. Ang sick di ba? Opisyal na akong deboto ni Murakami. 
  7.  Pinabaunan ako ng kapatid ko ng Pilao cafe mula sa Brasil. Alam niya kung paano ako pasasayahin. 
  8. Nagkitakita kami ni B1 at B3. Sumama ako sa reunion ng pamilya ni B1, family lunch ni B3. Diretso bisita kami sa bahay ko sa Batangas. Nalaman ng ermats ko na mahilig si B3 sa lecheflan. Ayon, bago umuwi, pinadalhan ng ermats ko si B3 ng sampong yanera ng leche plan. Spoiled brat. 
  9. May pasundot-sundot na depresyon ako ngayon. At bumabalik ang insomia ko. Hindi na naman ako ganoon kasaya sa buhay.
  10. Nanonood pala ako ngayon ng Grimm. Patapos nako sa season 1. Hindi ko masyado tipo. Kaya lang wala akong ibang ginagawa.

34 comments:

  1. 1. nagpahaba ako dati ng balbas dati sa private school. sinita ako ng director. kaya nung napunta ko sa public. tinodo ko na LOL
    3. magbaon ng maraming pera! heheh yun! mag bus at mrt at wag magtaxi :)) mahal!!!
    6. hanggang dance dance dance palang ako na may sheep man. sumakit na agad ang bangs ko
    7. two broke girls at Game of Thrones na lang!!!! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. will have the game of thrones tomorrow. may co-faculty ako na meron. haha. salamat ser mots :)

      natuloy ba yung sa cubaoEx?

      Delete
  2. Hmmmnnn... Gudlak sa paghahanap ng new house... Pakilala mo naman kami kanila B1, B2 at B3...

    ReplyDelete
  3. Randomness lang. Have a great trip in Singapore. Sabi nga ni mots, magdala ng maraming pera. Kain ka sa mga fastfood, mas mura. Sayang katatapos lang conference in literacy just this week sa Singapore. Ano ba ang puwedeng magbigay saya sa iyong buhay?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko rin alam kung ano pwede magbigay saya.

      Basta susubukan ko ienjoy ang Singapore. Baka mas umokay nako ser.

      Delete
  4. You had me @ #8. Sorry but I not only love lecheflan, I crave forv them...now I feel like I have get one :(

    Singapore is very nice and clean. Yes, bring monies and enjoy the food.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikaw e. Di ka nagparamdam ser mike. Pinadalhan sana kita ng leche flan. :)

      Delete
  5. #3 - Magdala ka ng payong. Umuulan kapag hapon.
    #5 - Woot woot! 4 lang?! Nagpigil ka pa nyan siguro.
    #6 - Favorite ko ang kanyang The Wind-Up Bird Chronicle.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Noted ser peter ang payong. maraming salamat sa tip. apat lang binili ko. kasi kelangan ko magtipid para sa singapore. #limitedbudget

      Delete
  6. pwedeng sumama sa sg? pero magdala ka ng maraming pera wala ako non eh :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung sa SG, pwede ka naman sumama ser earl. Kaya lang wala akong clear plan. Haha. baka mabore ka :)

      Delete
  7. buti hindi ka pa tinutuhog ng depresyon. mainam yang naiisip mong lumipat ng bahay;new neighbours at mga bagong pepeste sa iyong buhay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana nga ser cy na di nato lumala. magastos ang clinical depression.

      Delete
  8. may magagagandang bagay na nangyayari pa din sau palaboy.. esp yung singapore trip..

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat ser june sa positibong pagtingin sa buhay. isa yang encouragement sa akin.

      Delete
  9. 1. I'm quite hairless. Gusto ko sana balbas sarado din ako kaso manipis ang bigote ko. You, know, teenager eh. Hahaha! Ang higpit talaga sa atin when it comes sa grooming at hair. May naging teacher nga ako noon na ang kapal ng balbas, meron din isa na akaa mo ay pulubi- baluga na ang baho pa. Pero magaling sila. I miss those days na nagpahaba ako ng buhok. After maligo hindi ako nagsusuklay.

    2. Palihan? Word mula sa baul. Ngayon ko lang narinig yun. Seminar ba yun? Or conference?

    3. Singapore? Why not go somewhere else like... uhm... Taiwan? Hahahha! Maganda daw ang Singapore pero mahal ang mga bilihin.

    4. Ako din. I actually live with my prents. Nung bumili kasi kami ng bahay eh magtutulungan din kami sa bayarin. But i'm thinking of moving out too, at nag paplano na din bumili ng bahay. Pero lightyears pa ang hihintayin.

    5. Hmmm... hoard na ba ng tawag dun? Naka pito lang naman akong libro na binili this may. I like Kurt Vonnegut. Nabasa ko na yung kanyang The Cat's Cradle.

    6. I'm a big fan of Haruki Murakami. Kafka on the Shore ang pinakaunang libroniya na nabasa ko. Yun ang nag initiate sa akin na maging follower. I have some of his novels, kulang pa ang collection ko.

    7. Adik ka din pala sa kape, hindi na ako magtataka kung bakit ka insomniac.

    8. Hindi nila kasama si Doding daga at ang mga oso? Hahahaha! No idea kung sino sila.

    9. Baka kulang ka sa endorphins? Sabi daw kapag walang good eating habits at exercise it could trigger depression. Kapag mag workout ka, yiur body will produce endorphins that will make you "happy"..

    10. Sisimulan ko ma panoorin ang Games of Thrones, pero pinagiisipan ko kung unahin ko ang libro o pagsabayin ko ma lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Palihan ser tripster ay workshop :)

      Nabanggit ko sina b1 at b3 sa cebu trip ko.

      nagbabike na nga ako papuntang trabaho para magproduce ang katawan ko ng endorphins. wa epek pa rin e.

      Delete
    2. Drugs ser. Drugs na kailangan mo. Hehehe! Joke! Maybe it's just a phase. Baka triggered lang ng position ng mga bituin, planeta, at ng buwan. So they say in italian, "Ho il saturno contro (Saturn is standing against me.)"...

      Delete
    3. Naway mabago na ang posisyon ng mga kung anu-anong shiz na yan. Peste sa buhay ang phase nato.

      Delete
  10. Yung Kafka on the Shore hindi ko kinaya. Lagi ko siyang nakakatulugan. More than half na yata ako sa libro eh hindi pa nagkikita yung dalawang central characters. Kahit gustong-gusto ko siyang tapusin, tinigil ko na lang. Naunahan pa ng Cloud Atlas...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Medyo may kahabaan nga. ang ginawa ko ser glen, pumunta ako sa probinsiya, naghanap ng jolibee at tumambay ng kalahating araw. ayun, nakausad. ang tagal nga bago sila nagkakita. pero mas matagal bago sila nagkakomprontahan.

      Delete
  11. :D good luck sa byahe ako naman kailangan ko na rin siguro ng break kaya ako din ay may local trip. Di na po kita kakamustahin Sir dahil nasa post mo na ang isasagot mo ahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. gawin mo rin ser rix ang pagbebreak. kelangan natin yan.

      Delete
    2. tama! sa norte ng luzon ang distination ko sa 2nd quarter naman ng taon sa puso ng visayas ahaha.

      Delete
  12. Enjoy sa bakayson ser! Ibang lugar kahit ilang araw lang, I'm sure mag e-enjoy ka dun. Mag pagod ka kapapasyal para mawala ang insomnia - tulog agad pag uwi :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. natutuwa nga ako mabasa ang mga escapades mo ser zai. ang yaman mo kasi kaya marami kang lakad.

      medyo matagal ko pinag ipunan itong singapore. naway makagaan ang karanasan nato para maging masaya at maging maayos ang tulog.

      Delete
  13. nakakatuwa tong selfie post mo ser! hindi ko na iisa-isahin ang comment ko. curious lang ako kay b1 at b3 kung sino sila

    ReplyDelete
  14. haha ayun san ba ko mag sisimula books enthusiat ka din talaga nu? haha di ko talaga nakahiligan yan, anyways sosyal sa singapore mgababaksyon! ingat at enjoy sir!
    ant ung mga kaganapan na yan sa book! ee nakakawindang naman

    ReplyDelete
    Replies
    1. mayaman kasi ako kaya ako magsisingapore. haha. joke lang mecoy.

      oo, mahilig ako magbasa. :)

      Delete
  15. ang higpit pala kapag nagtuturo, bawal ang balbas.. hindi na ako pwedeng magturo niyan.. huhuhu....

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko nga rin alam ang kinalaman ng balbas sa pagtuturo. tsk, tsk.

      Delete