Gene,
Gusto ko lang balikan ang mga pangako ko na wala nang saysay ngayon. Pati na rin ang mga panunuyo ko sayong lumipas at hindi napahalagahan. Pati na rin ang mga matatamis kong salita sayo at pangako na walang hinihiling na kapalit na pag-ibig. Natutunan kong mahirap magmahal ng walang kapalit.
Salamat sa pagpaparanas sa akin ng buhay na ganap. Sa pagpapakilala sa akin kung sino ako. Sa pagpapahaba ng pasensiya at pagpapalawak ng pag-intindi. Salamat sa alaala. At sa tunay na buhay na karanasan. Kaya ko palang umibig. At kaya ko rin palang mabuhay pagkatapos mabigo.
Magmamahal ulit ako. Salamat sa mga paalala.
Darbs
--------------------------
Ang sulat na ito ay nakita sa isang lumang aparador ng dating mensahero namin sa opisina. Ngayon ay saktong tatlong taon simula ng naitala siyang missing person sa Quirino District, Quezon City.
Base sa mga kwentuhan sa opisina, isusuma ang buhay niya ng ganito: Iniwan siya. Pero siya ang nawala.
ayun oh liham ng pagibig..
ReplyDeleteMay namiss kang basahin rix :)
Delete"Iniwan siya. Pero siya ang nawala." -> I like that, the irony.
ReplyDeleteI guess positive naman ang sulat, since di ko feel na may bitterness si kuya. Still sad though.
Malungkot ang buhay ni Darbs.
DeleteThis is what makes our life not boring :)
ReplyDeleteTunay, Cheng. Tunay.
Delete"Pati na rin ang mga matatamis kong salita sayo at pangako na walang hinihiling na kapalit na pag-ibig. Natutunan kong mahirap magmahal ng walang kapalit."
ReplyDelete- lakas Palaboy, tagos oh. TAGOS! hehe
Batang mailap, gusto ko yang parteng yan :))))
DeleteTagos na tagos dahil may karunungan mula sa karanasan yang mga linyang yan, di ba?
Pero sya ang nawala.
ReplyDeleteSana nabasa ito ni Gene.
Nako pa man nawala si Darbs, nawala na si Gene.
Delete