Wednesday, April 30, 2014

Energizing leave

Sa limang araw na magbabakasyon ako, hahawak lang ako ng vodka at magsusulat. Tungkol sa dating inibig, sa kasalukuyang trabaho, sa plano sa buhay. Tungkol sa pagiging bata at middle class. Sa trabaho sa kasalukuyan. Patungkol sa pananampalataya. Sa kasalanan at sa excitement ng buhay.

Sa limang araw na magbabakasyon, maliligo ako sa dagat sa tabi ng bahay ko sa Batangas. Bibisita din ako sa puntod ni Angkong at magpapaypay ng insenso. Kwekwentuhan ko siya tungkol sa trabaho ko ngayon, sa mga mababait na katrabaho, pati na rin sa mga nang-aaway sa akin sa opisina.

Hindi ko pa sigurado kung uuwi lang ako ng probinsiya o biglang maglalagalag na hindi pinaplano ang pupuntahan. Pero gusto kong mawala. At magtanong-tanong ng direksyon at makituloy ng bahay.

Hindi ko pa alam kung ilan sa limang araw yung mag-iimbita ako ng kaibigan. Pero gusto kong makipagkwentuhan sa ilang malalapit sa puso ko. Kwentuhan maghapon. Hanggang makatulog. Kahit hindi nagto-toothbrush. At gigising na hindi mahihiya at walang pakialam.

Sa limang araw na magbabakasyon ako, sarili ko muna ang iintindihin ko. At hindi ako mahihiya. At hindi ako hihingi ng tawad sa limang araw na pagiging makasarili.

4 comments:

  1. Clap. Clap. Social Life. For real! Pero, pwede mag toothbrush ser! Tsaka kana wag magtutbrush kapag may lablayp kana. Wahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi pa to ngayon Yccos. Sa mga huling araw pa ng Mayo :)

      Delete
  2. Enjoy every bit of your vacation :) Walang toothbrush - push yan! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Zai sa pagsuporta at tolerate na unhygienic activity ko :))))

      Delete