Mga puta kayo! Simple lang ang dapat natin gawin. Manilbihan bilang kawani ng gobyerno kahit isang taon. Huwag muna magpribadong korporasyon. Huwag munang lumabas ng bansa. Huwag magpakain sa bulok na sistema. Magbayad ng tamang buwis. Magsilbi sa bayan. Mag-overtime kahit walang bayad. Iparanas sa mga mamamayan ang kalidad na serbisyo na pwedeng ibigay ng gobyernong ito. Isang taon. Kahit isang punyetang taon lang. Iskolar kayo ng bayan. ngayong gagradweyt kayo, maging Iskolar para sa bayan naman kayo. Tapos ang speech ko.
----------------------
Ayon. Pero hindi naman ako summa cum laude. Asa pa.
I had the chance to give the valedictory address when I was in college buy the chance was snatched away from me. Perokung natuloy man ayan din sasabihin ko.
ReplyDeleteAnong nangyari? Bakit naudlot? :(
DeleteDi confirmed. May mga prof na nagspeculate na binigay yung pagkakataon magspeech dun sa graduate ng isang board course. Iba naman naiisip kong dahilan haha. I think dahil medyo pasaway din ako
DeleteOh well. Ganyan talaga. May politika din ang pag akyat sa entablado.
Deleteaw. Sablay. At least, mahigit isang taon na kong nakapanilbihan. Aminado din kasi akong malaki utang ko sa taumbayan,
ReplyDeleteAy ser, okay lang. Di naman talaga ako gradweyt. Hahaha. Nakinig lang ako sa mga speech ng mga nabigyan ng pagkakataon na magsalita. Ang hahaba ng sinabi. Lahat abstrak, naghahanap ako ng konkretong gawa.
DeleteKulang pa ata...
ReplyDeleteBawal ang tanga. Bumoto nang tama.
Hahaha..
Naku Yccos, di ko alam kung isasama ko ang bawal ang tanga. Ako kasi tanga.. sa pag-ibig. Ayi! Haha.
DeleteYung bomoto ng tama, hindi ko alam kung paano siya mas gagawing konkreto.
Ay kulang pa din..
DeleteBawal ang tanga Na hindi related sa pag-ibig. Lels.
As for pagboto, hindi ko rin alam. Sige, pwede pang iscratch yan. Lel.
Hahaha! ANg dali mong kausap pagdating sa pagboto :))))
DeleteIntense speech! Sana ikaw na nagbigay ng valedictory address... naging makabuluhan pa sana ang mensahe!
ReplyDeleteHindi ka Summa Cum Laude, cum laude lang! :)
Wala sa nabanggit. Hindi ako grumadweyt. Hahahahaha XD
Deletehahaha da best ito :)
ReplyDeletehinuha kong ito'y tatanggap ng isang masigabong palakpakan :)
Mukhang may standing ovation na magaganap. Pero dahil hindi naman ako pwede magvaledictory address, haha. Hanggang blog na lang ito :P
Delete