Para ibalanse ang blog na ito sa tunay na kaganapan sa buhay ko:
**Ang paliwanag sa balanse ay mula sa huling entry na ito.
Nagiging trabaho ko ngayon ang sumalo ng argumento at problema sa opisina. Kasama na dito ang mga inquiries at issues na hindi pa nareresolba. Peek na ulit kasi ng trabaho at deliverables dahil isasarado na ang kabanata ng taong ito ng opisina sa susunod na buwan.
Halo-halo ang mood ng mga tao na pumapasok sa silid ko. May mga masaya, may mga histerikal. May mga suspetyoso. May mga nag-aalala. May wala sa sarili. May ilang mga nagbe-break down. Parang psychotherapist room ang kwarto ko ngayon. At ang pinakaangat na job description ko ay makinig ng may pagsimpatya at concern. Tapos gumawa ng aksyon sa pagresolba ng problema nila kung kaya.
Sa mga nangyayaring ito sa opisina, inaabangan ko ang dalawang beses sa isang linggo na circuit training kasama ng ilang malapit na kaibigan. Doon ko nabubuhos ang mga energy at mood na nadadala ko sa pagsalo ng mga burden ng mga taong bumibisita sa kwarto ko. Nakita siguro ni coach na mabigat ang mga nakaraang araw ko kaya bukod sa bagong palit na routine, sinama niya sa workout ko ang uphill na sprint na halos ikabuka ng baga ko tuwing session.
Gayunpaman, kahit pagod na, hindi rin nag-gagarantiya na magkakaroon ako ng mahimbing na tulog sa gabi. Kadalasan, nagigising ako ng madaling araw at naaantala ang tulog dahil naiisip ko yung mga naibahagi ng mga bumibisita sa kwarto. Minsan, napapanaginipan ko pa ang mga ito.
Marami sa mga iniisip ko ay bunga ng trabaho ko ngayon. Hindi ako nagrereklamo kasi kasama ito sa inoohan ko na posisyon. Iba lang ang level ng stress pero kaya naman. Nakikita ko ang sense ng trabaho ko sa kabuuan ng buhay ko. Kaya healthy pa. Okay pa ang well-being ko. Ang maganda pa dito, hindi personal ang mga concerns ko ngayon kundi patungkol sa trabaho. Ito yung pinapapasalamat ko sa Diyos.
Ayan. So ito ang tunay na buhay ngayon ni OP. Hindi tungkol sa guni-guni niyang buhay. Salamat sa kaibigang blogger na biglang nangamusta sa akin. Siya ang dahilan kung bakit nagsulat ako ng tungkol sa kung anong estado ko ngayon.
----------
PS. Bukod sa kaibigang blogger, ang entry na ito ay prompted ng dalawang baso ng Vodka-Mountain Dew.
Hinay hinay sa trabaho Ginoo a! Masama iyang hanggang paguwi at pagtulog ay napapanaginipan iyan. I-enjoy lang natin ang buhay! Cheers!
ReplyDeleteHi Onlychild! Salamat sa paalala. ANg lungkot ng buhay ko na hanggang pagtulog napapanaginipan ko yung mga yun. Hahaha! Iniisip ko nga pano ako makakapagrelease ng mas epektibo :P
DeleteButi naman trabaho lang ang concerns mo. kung kailangan mo ng ka-Vodka-mountain dew, sama ako. hehe
ReplyDeleteHi Mamon. Pareho tayong anonymous. Hindi tayo papayag na magkita tayo. Hahahaha XD
Deletemahirap yatang trabaho yan, ang sumalo ng burden ng ibang tao... mabuti na lang meron kang workout.
ReplyDeleteTotoo yan, manong Mar. Malaking ginhawa na may workout ako. Meron akong ibang nilolook forward :)
Deleteiyan siguro ang dahilan kung bakit ayaw ng guro ko sa gusto ko i-specialize... ahahaha.
ReplyDeleteUsually ser rix, ang specialization sa PhD. Hahahaha! Goodluck! Ako tinatamad nang mag-aral :P
DeleteNakakapagod mag workout! Lels.
ReplyDeleteKulay ihi ang mountain dew, bat gusto nyo yun?
Gano ka-fiction ang mga fictions na sinulat mo? Hohoho
Sadness, wala nang chance na makapg sit in sa class mo. Lols, opis boy na si ser ops!
May tinuturuan pa naman ako na klase :P
DeleteMinimum, isang elemento ng bawat kwento ay totoo.
Vodka-mountain dew? di ko pa na-try :)
ReplyDeleteMasarap yan! :)
DeleteI can imagine yung level ng stress, na to the point na magigising ka sa pagtulog dahil sa kakaisip sa kanila, Ganyan ako noong newbie pa ako sa trabaho ko. Sa dami ng concerns na pinapasa sa akin, napapanaginipan ko sila, dumating sa point na tinigil ko ang paglalaro ko ng Plants vs Zombies kasi naisip ko, nasistress na ako sa trabaho, dadagdagan ko pa ng stress sa laro. Eventually nahandle ko naman nang maayos yung role ko and ngayon naeenjoy ko na. For sure kaya mo yan.
ReplyDeleteSalamat ser Glen! Congratulations sa libro mo! :)
Delete