Mas gusto mo ang bigyan ka ng bulaklak ng makahiya kaysa rosas.
Lagi mong tinatali ang buhok mo kapag kasama ako para makita ang batok mong may tattoo na pinansin ko at sinabi kong maganda.
Okay lang na dalhin kita sa kainan ng mga taxi driver at kinaibigan mo pa ang kahera para may discount tayo kapag kakain tayo doon.
Hindi mo ako pinipilit manood ng rom-com pero nangunguna kang magyaya kapag may action film kang nakita na alam mong gusto ko.
Matik na ang pag-order mo ng cold sake para sa akin kapag pumapasok tayo ng Japanese restaurant.
Naseseksihan ako pag tinatawag mo akong guard at tinatawag kitang mam.
Ikaw lang ang nakakapagpapasok sa akin sa salon para hintayin ka sa pagpapagupit mo na tumatagal ng tatlong oras.
Inaalok mo ako na magstay muna sa fully booked kapag bibili ka ng sapatos o damit.
Pinagtitimpla mo ako ng kape kapag nakasubsob ako sa trabaho.
Kaya mo pa rin ako gulatin sa biglaan mong mahihigpit na yakap.
------------------------------------------
Salamat sa masasayang alaala. Makakalimutan din kita. Soon.
Paglimot. Napakadaling isipin at sabihin. Ngunit napakhirap gawin, lalo na kung tuso ang kanyang mga mata.
ReplyDeleteHello Franco! Welcome sa espasyo ko.
DeleteTotoo na mas mahirap gawin ang paglimot kaysa sa pagsasabi na makakalimot din tayo. Iba ang salita sa gawa.
Why would one like to forget someone who made such a mark in their life?
ReplyDeleteI realized it's not the person we would like to forget but it is the pain that person caused.
Hi FSOQ! Forgetting is more for moving on rather than to eliminate the pain :)
DeleteAwts sakit nmn
ReplyDeleteNdi ba pedeng hindi kalimutan?
Pwede naman ser. Ganyan ba gagawin mo kung ikaw nasa lagay ko?
DeleteMinsan, di natin kelangan kalimutan ang mga alalalang tulad nito. Ang kelangan natin ay gumawa ng mga bagong alaala at gamitin nating aral ang mga alaala mula sa nakaraan para pagtibayin ang kasalukuyan.
ReplyDeleteGusto ko yang proposal mo.
Deleteit's definitely hard to forget such romantic gestures...
ReplyDeleteTunay ser mike. Walang mapagkumparahan.
Deleteminsan talaga kailangan nating ibaon sa limot ang mga ganyang alaala at ang tanging maiwan na lamang ay ang masayang pakiramdam kung paano magmahal at mahalin.
ReplyDeleteBase ba yan sa karanasan, Mamon? :)
Deletehindi naman nakakalimutan yan...not unless mag ka amnesia ka, pero ang sakit ng pakiramdam ng mawalan dahil sa paghihiwalay, yon ang siguradong nawawala... at least in my case (personal experience pala lol)... yon bang kahit maalala mo, wala na yong kurot sa dibdib... kahit makasalubong mo... wala na yong panghihinayang na hindi naging kayo hanggang sa huli... at ang tanging naiwan na lang ay isang payak na alaala ng kahapon...
ReplyDeleteKwento ka naman ng buhay pag-ibig mo kuya Mar!
Deletemahaba-habang inuman este, kwentuhan yang buhay pag-ibig ko hahaha kung okay lang sayo magdamagan makinig hahaha
DeleteIsama natin si Paokun para kapag nakakatulog na ako makinig, gigisingin ako. Hahahaha XD
DeletePwede din naman na isulat mo siya sa blog mo :P
hmmmmf. dibale, di mo naman kailangan pilitin lumimot. lahat ng bagay ay hinihilom ng panahon. :)
ReplyDeleteSumasang-ayon.
DeletePanp ba to? Bigla na lang din darating ang panahong yan....
ReplyDeletePano ba to?
Delete----Haha. Hindi ko alam Teacher Yccos kung ano din ang sagot diyan :P
kamusta ser?
ReplyDeleteReplied ser :)
Delete