Hindi puti, hindi rin itim. Hindi pwedeng grey. Ang grey ay may depinisyon. Tayo walang saktong kategorya. Hindi rin pwedeng magkaibigan lang. Ang mga kaibigan ko, hindi ko pinapagamit ng laptop ko. Ikaw, alam mo ang password ng laptop. At ginagamit mo para tapusin ang mga papers mo sa masters. Hindi mo na pinagpapaalam. Diretso gamit na.
Nilalagay mo ang lahat ng files mo sa isang folder sa My Document. Minsan, iniisip ko kung nag-iiwan ka ng senyales kung ano ba tayo sa mga files mo. Karamihan word documents. Halimbawa ang alyas.doc tungkol sa isang makasaysayang pagtingin sa mga alyas na ginamit ng mga namuno sa bansa at ang pagbibigay ng konteksto base sa kanilang karanasan noong kabataan, isang mahusay na papel mo sa antropolohiya. Isang direktang titulo ng dokumento. O kaya yung punyetangmangga.doc na isang report tungkol sa pagpatent ng isang kompanya sa uri ng prutas sa Pilipinas para daw hindi nakawin ng ibang dayuhan ang matamis na mangga ng Pilipinas. Pero sa report mo, base sa sulat mo, isa itong taktika ng lokal na kompanya, hindi lang para hindi nakawin ng dayuhan ang taguring sweet mango pero para hindi rin magamit ng mga maliliit na negosyanteng lokal ang katagang sweet mango sa kanilang mga produkto. Direktang pagsuma ng paksa sa titulo. Ibang iba kung ihahambing kung ano tayo.
Kung bibigyan kaya ng titulo ang relasyon natin at ise-save mo bilang document file, ano kaya ang pamagat?
Laging iyan ang iniisip ko nitong mga nakaraang araw. Lalo pa ngayong nakabakasyon ako at walang ginagawa. Pambihirang patis, nag-ooverthink na naman ako.
Nito lang huli, nagulat ako na sa file folder mo, ay may bagong folder na nakita ko lang ngayon. Kelan mo kaya ginawa to? Hindi ko matandaang hiniram mo ang laptop ko. Marahil ginamit mo noong nasa Tacloban ako.
Mga kanta. Isa na naman kaya itong clue sa kung ano tayo? Pinamagatan mong Undo Goodbye ang file folder na mga mp3 files.
- Awake ni Josh Groban
- Be yourself ni Graham Nash
- Brighter than sunshine ng Aqualung
- Chocolate ng Snow Patrol
- (I can't seem to) Make you mine ng Clientele
- The Freshmen ng Verve Pipe
Masyado kang nag-iisip OP. Tanungin mo kaya siya ng diretso? Communication is the key sabi nila. :)
ReplyDeleteMahirap magtanong. Ayoko mag assume.
Deleteyiheeehhhh! ayan na yata yan Sir... go na...
ReplyDeleteGuniguni lang to ser rix.
DeleteBaka nga may pahiwatig yung mga kanta. Ewan. Pero kahit din ako, kung nasa katayuan mo, baka di ko magawang magtanong.
ReplyDeleteTry mo rin kaya magiwan ng folder na may mga kanta tapos ang pamagat Untitled? Baka bigla nya na lagyan ng title ang relasyon niyo. Hihihihi. :3
Riddle na tutugunan ng riddle. Haha. Malabo yan FSOQ. Hahaha!
Deletegrabe ka mag analyze ahaha wag ka muna mag isip. wait nalang muna at ienjoy ang lahat :-)
ReplyDeleteMahirap hindi mag-isip :p
DeleteNakakarelate ako. Haha. At sa kakaover-analyze, nakakalungkot tanggapin ang katotohanang wala tayong sagot.
ReplyDeleteTunay. Walang sagot. Hahaha.
DeleteOver thinking ka ah! Baka need mo lang mag biogesic haha ;) Happy New Year :)
ReplyDeleteKakaparacetamol ko pa lang :)
DeleteEnjoy the coming year tsaka ka ulit mag -isip. Mahirap ang kalagayan ng isang taong hindi alam kung saan ba sila patutungo. Good luck and Happy New Year sa iyo!
ReplyDeletePwede namang drifter lang muna. Haha. Hafinyuyir!
DeleteAyun o :) Ang ganda ng mga songs! Favorite ko lahat! :)
ReplyDeleteHappy New Year! :)
Happy new year zai!
DeleteSo what does it all mean? I love how whenever napapadpad ako dito, napapaisip mo talaga kaming mambabasa. Manigong Bagong Taon, OP! I wish you more ruminations, both pensive and thoughtful, this 2014!
ReplyDeleteCitybuoy, manigong bagong taon din sayo. Salamat sa encouragement sa mga walang saysay kong pinag-iisipan at kinukwento, totoo man o hindi. Hehe.
DeleteU have to ask bago mahuli ang lahat :)
ReplyDeletePwede ding masira ang lahat kapag nagtanong :P
DeleteNaku. The Freshmen. Lagot. Haha
ReplyDeleteLagot talaga! Natuwa akong alam mo ang kanta. At alam mong patay ako sa The Freshmen.
Deletemay nabasa ako kanina at ang title ay "No One Deserves A Secondhand Love" nabanggit ko lang. haha
ReplyDeleteOkay lang ako ser cy sa secondhand love. Basta ako ang last :))))
Deletemukang magulong usapan to ahh, hmm hirap nga magisip sa mga ganyang bagay!
ReplyDeleteanyway search ko muna ung mga songs na yan di ko kasi alam
Parang madami kang isesearch na kanta. Kasi pati sa blog ni ser olivr, sinabi mo rin na isesearch mo rin yung songs na nilagay niya. Hehe
Delete