Gabi bago ako umalis, ibinili mo ako ng apat na bote ng off lotion, yung berde. Mas matapang sabi mo. Sabi ko baka mag over ako sa bagahe. Hindi mo ako pinansin at nilagay sa backpack ko.
Ilang araw kitang di matext dahil nag batt empty ang phone ko sa Tacloban. Hindi totoo na may kuryente na, na sabi ng balita sa telebisyon. Wala pa ring kuryente. At hindi totoo na nakafreeze ang mga presyo ng bilihin. P80 ang isang 1.5 litro na coke. Maraming hindi totoo sa mga sabi-sabi sa Maynila.
Totoo na mas efficient ang mga NGOs kaysa sa LGU. Pero hindi ko naman tuluyang masasabi na walang ginagawa ang lokal na pamahalaan. Hindi rin totoo na pinabayaan ng National Government ang Tacloban. Bago pa dumating ang bagyo, naandun na si Mar Roxas. Pinulong niya ang lokal na pamahalaan. Matapos ang bagyo, dumating sina Dinky Soliman. Hindi lahat ng ginawa nila ay efficient. Pero sa aking palagay, ginawa nila ang makakaya sa abot ng kanilang pinag-aralan na posibleng gawin sa mga nakaraang linggo. Sila ang mga taong first in, last out.
Gusto ko sana ikwento yang mga yan sa iyo tuwing gabi kapag nasa dilim lang ako, kasama ng ilang manggagawa at boluntir sa loob ng bahay, habang malakas ang ulan. Oo, malakas pa rin ang ulan sa Tacloban. Kaya mahirap mag ayos ng bahay. At buhay.
Pero hindi ko makwento kasi walang baterya ang telepono ko. At hindi kita matawagan. May isang araw na gusto ko na umuwi sa Maynila sa bigat ng mga nadebrief ko. Nakaanim lang ako noon pero ang bigat-bigat.
Buti na lamang at puno ng pag-ibig ang puso ko, at parte ng dahilan ay dahil hinayaan mo akong haranahin ka dalawang gabi bago ako nagTacloban. Hinawakan mo lang ang buhok ko noon at sinabing mas mabuting sumayaw na lang ako kaysa kumanta. Sumimangot ako pero binanat mo ang pisngi ko para maging ngiti ang nakamurot kong mukha. At tumawa na rin ako.
Hindi ramdam ang Pasko dito sa Tacloban. Pagbalik ko ng Kamaynilaan, pagkatapos kong iiyak ang lahat ng kwento ng kawalan ng mga tao, pwede bang samahan mo akong kumain ng Japanese food sa may gawing Makati? Pwede ba?

Idol na kita! Tingin ko di ko makakayaya ng ganun katagal ang ginawa mo dun sa Tacloban.
ReplyDeleteIdol? Naku, maghunus dilika. Di mo alam ginoo ang sinasabi mo :p
DeleteSan po sa makati? Sa Yakimix? Hehehehehe... Ang senti! Pero nasan ang listahan? lels Salamat pa din sa pagpatol kahit sa title lang..wahahahaha... AT salamat sa pagbibigay ng oras mo at panahon para makatulong sa mga taong nagdadalamhati pa din sa tacloban...
ReplyDeleteBinibini, hindi ko kasi alam kung ano ang hihilingin ko. Kaya wala pang listahan na mahaba. Ayan lang. Hehe.
DeleteSaludo ako sa ginawa mo sa Tacloban...
ReplyDeleteYon pala ang wish... Japanese food trip!
Akoy hindi karapat dapat sa pagsaludo mo ginoo. Mas maraming dapat ipagbunying mga tao. Ganyan.
DeleteNoong narinig namin sa school na kailangan ang tulong ng lahat ng mga tao sa larangan ng sikolohiya para sa debriefing ng mga nasalanta ng Yolanda ay nakaroon ako ng interest na tumulong kahit na mag assist lang. Lalo na nung nalaman ko na may ibang mga biktima na dadalhin sa Villamor Air Base para tulungan. Kaso alam ko na magiging sagabal lang ako sa mga espesyalista dahil hindi naman sapat ang nalalaman ko at hindi wala akong karanasan sa pagde-debrief... Dahil dito ay mas lalo ko tuloy gusto na tapusin ang pag aaral ko sa sikolohiya.
ReplyDeleteFohe mean time, pwede ka magpaggawa ng apat na bahay habang di mo pa tapos ang kurso. Hehe. 80k lang ang isang bahay. Kayang kaya sa sweldo mo ser rix. Hehe
DeleteWhat?! Ibang-iba yung sa news?!
ReplyDeleteI hope everything will be better in the coming months. Recovery is not instant but recover they will.
FSOQ, nagiging mas mainam sa paglipas ng mga araw. #tindogTaclobaLeyteSamar
DeleteAstig ka sir... sakit sa dibdib.. anither great post... may sweetness at may social awareness. Confused tuloy kung saan ako maantig...
ReplyDeleteNaks senyor, ang tamis ng salita. Salamat.
DeleteMukhang tinatago ang katotohanan satin ng media at govt ha.
ReplyDeleteAnyways, sa little tokyo ba?
Little tokyo ser! *naglalaway*
DeleteMaganda dun! hehehe
DeleteAt masarap :)
Deletewhat a very enlightening and heartwarming post...
ReplyDeleteHappy holidays ser mike!
Deletenakaka sad ang nangyari sa Tacloban.... sana next year maging okay na ang Pasko ng lahat...
ReplyDeletesana matupad ang wish mo... Merry Christmas....
Hi jondmur! Merry christmas din!
Deleteayun naman pala. <3
ReplyDeleteQhappy new year Olivr!
Deleteelibs ako sir, byumahe ka pa talaga ng malayo! bow ako sayo!
ReplyDeleteand hirap din talaga mag rely sa news kakalungkot pa din pala na balita
dyan i hope maging mas okay na sila soon
One hour ride lang ang tacloban. Mas matagal pa ang byahe sa edsa. Lol
DeleteYun lang pala , tara kahit sa korean , chinese, lebanese oh khit ano p yan sagot ko ! Hahaha !
ReplyDeleteMerry christmas and happy new year idol !!!
Emotero for 2013 kw tlga hihihi :)
Hope u are okay always!
Ang laki siguro ng bonus mo. Hehe
DeleteI've seen it with my two eyes kung anong sitwasyon ng tacloban nung pa balik ako dito sa manila. walang available na flight so na pilitan ako kumuha ng ticket from tac to manila. At first the long hour drive from my home was a happy one with loud music pero nung nakalampas na kmi ng SJ bridge dun ko nakita ang hagupit ng yolanda. Gusto ko mga kumuha ng pictures para e share pero nag masid lang ako at na paiyak:( grabe tlga.
ReplyDeleteWith all the help from the non and government organzation, I guess this is a proof that as nation we become one in help tacloban and I do hope they will not stop.. they need much help.
Thank you Sunny Toast for emphatizing with people in Tacloban. Totoo yan, kahit nag-aaway ang mga leader natin, tulong-tulong pa rin sila sa pagtulong sa Tacloban.
Delete