May panaginip ulit ako. This time, kasama si Heart Evangelista. Siya daw yung driver ko sa tricycle.
Siya daw pumilit sa akin na magtricycle na lang kesa maghabalhabal. So yes, probinsiya ang setting.
Suot ni Heart 'yung lumang long sleeves na kamiso chino na dark blue. Kupas-kupas na. Tapos pawisan siya, saka mamantika ang mukha. Saka morena siya ng konti. Pero ang ganda niya pa rin.
Tuwid ang buhok. Pero nakatali. Wala din amoy. Pero mukhang malinis.
Dahil pinilit niya ako, tapos alam ko sa panaginip ko na artista siya na naghirap na. At crush ko pa rin siya. At naawa ako sa kanya, pumayag ako na siya na yung service ko papunta sa isang baryo na pupuntahan ko.
Sa panaginip ko, wala siyang amoy. Walang baktol. Pero hindi siya mabango. So nakakadissapoint ng konti.
Background song namin ay Kontrabida by Pricetagg featuring CLR. Di ba. Haha. Lakas makapelikula. May OST ang panaginip ko.
Di ko na masyado maalala ang pinag-usapan namin. Pero may kinalaman siya sa kung paano mabilis magpalit ng damit ang lungsod, siya namang bagal ng pag-unlad ng mga nasa probinsiya. Basta parang ganun ang topic.
So yes, abot kamay si Heart Evangelista. Tapos matalino siya. At mukhang naranasan ang maging nasa laylayan ng lipunan.
Pero masipag. Malinis. Hindi mabaho. Marunong magtagalog. Maayos na nakatali ang buhok.
So ayun, bumangon ako na maganda ang gising. Tapos ready na ulit magsulat ng kinakana ko na research.
ako naman, napanaginipan ko yung friend ko bumababa ng helicopter, mala-Lucifer ang peg. Also, wow sa dami ng blog posts ha! :)
ReplyDeleteHi Mamon. Nagbabalik loob. Hahahaha. Naalala ko na may quota ako for this year na isulat. So I'm keeping my eyes set on the goal. Hahaha.
DeleteNatawa ako sa bumaba ng helicopter, mala- Lucifer. Hahahahahahaha.
Lupet ng mga adjectives (ba yun?)... basta, yung paglalarawan sir OP hahaha! At si Heart Evangelista talaga :)
ReplyDeleteMema-share lang, ano kaya ibig sabihin kapag napapanaginipan ko yung trabaho ko sir OP, dedication ba yun o horror, hahaha!
Hoy jep. Di pa tayo nagkikita. Hahaha. Set ka ng schedule.
Delete