Matagal nakong hindi nananaginip. Exception kagabi.
Medyo naka-anim ako na baso ng Merlot. Kaya siguro napasarap ang tulog ko. At nanaginip.
Niyaya mo daw ako magjoy ride. Pero dahil wala tayo parehong kotse, nag bus tayo. At umabot sa Pangasinan.
Habang nasa bus, papuslit tayo uminom ng Glenfidich na nakalagay sa opaque water tumbler ko. Tumatawatawa lang tayo habang nasa biyahe at nilalait ang mga kanta ni Jose Mari Chan at ng grupong Steps.
Wala ka pang dalang cash pambayad sa bus. At hindi sapat ang pera ko sa wallet. Pero buti na lang, pwede ko icredit card. Tawa ka ng tawa dahil ako nagbayad ng trip mong joy ride.
May naglako ng leche flan sa isang bus stop at bumili tayo ng tig-isang liyanera. Nag-unahan tayo umubos. Nanalo ka.
Pagbaba natin sa Dagupan, naghanap tayo ng The Generics Pharmacy. Bumili tayo ng White Flower ointment. Gamit ulit ang credit card ko. At sumakay ulit ng bus pabalik ng Cubao.
Naputol yung panaginip ko dahil nagising ako sa tilaok ng manok ng kapitbahay.
Mamaya, dadalawin kita sa sementeryo. Magdadala ako ng white Malaysian mums, 'yung white flower na gusto mo nun na binibigay sa nanay mo.
Sisingilin ko rin ay nanay mo mamaya sa utang mong two-way bus fare pa-Dagupan. Palagay ko, tatawa at iiyak siya sa panaginip ko tungkol sayo.
No comments:
Post a Comment