Tuesday, February 9, 2016

Buhay researcher

Nakasama sa draft ang pangalan ko para sa isang research patungkol sa HIV-AIDS. Di ko pa alam ang buong detalye. Pero mukhang kakain ulit ito ng oras sa pagbyahe at pangangalap ng mga datos.


Hinihintay ko pa ang opisyal na papel na nagsasabi na kasama ako sa research team. Wala pa ring detalye kung may compensation ako dito, although nakita ko na ang estimated budget para sa research. Medyo maliit. Sa totoo lang, willing ako kunin ang research kahit walang professional fee. Medyo nakakaalarma na rin kasi ang lomolobong bilang ng mga HIV AIDS positive sa bansa. At sana, sa pagpayag ko na sumama sa research team, makatulong ako sa mga taong positibong may HIV AIDS, pati na rin sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay. At syempre, pati na rin sa mga at-risk na mga kabataan at young adults.

10 comments:

  1. Mukhang masayang adventure yan sir OP!
    Balitaan mo kami sa mga makakalap mong impormasyon pag natuloy ka :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hanggang ngayon wala pa ang contract. Kaya delayed ang simula :)

      Delete
  2. Kung sakaling matuloy ka sa project na ito, sana maibahagi mo naman sa amin ang impormasyon. Tama ka, ang mas malawak na pag-aaral at pamamahagi ng impormasyon ang ilan sa makakatulong para mapalawak ang kampanya laban sa patuloy na pagtaas ng incidente ng HIV/AIDS sa ating bansa.

    (Confidently beautiful with a heart. LOL)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Pepe! Wala pako pwede ibahagi. Di pa nagsisimula. Saka baka abutin to ng kalahating taon na research :)

      Delete
  3. such a noble task. i hope marami kayong maenlighthen na mga kabataan natin na masyado ng mapusok ang lifestyle especially some of our brothers and sisters in lgbt community.
    hindi ko nilalahat pero sadyang marami parin talaga ang kapos ang kaalaman sa mga ganitong mga bagay at tako humarap sa katotohanan.

    p.s. nakita ko ang blog mo dahil nag tinawanan mo din ako sa tanung ko kay simon. parehas kayo ni jep. pinagtatawanan nyo ko! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. HI Christian! Nakakatawa kasi kaya tumawa ako :))))

      Delete
  4. Aling research ituuuuuuuu??????!!! Hahanapin ko ang pangalan mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Overthinker Palaboy yung nakalagay na name ko sa research :)

      Delete
  5. This looks like fun :) I hope that you contribute good things for the better welfare of those with HIV :)

    ReplyDelete