![]() |
| Karir na bulletin board namin sa school. Gawa ni co-teacher. Ayos di ba? |
Hindi ako naniniwala na dapat tahimik lamang sila. Hello, kiriring-kiriring, nagturo ka pa ng mga bata kung ayaw mo ng maingay. Sana nagsilent retreat ka na lang sa kombento.
Dahil sa patuloy na pag-ulan at sa naidulot nito sa Quezon City, halos isang linggo na kaming walang pasok sa laboratory preschool namin. At halos isang linggo ko na silang hindi nakikita. At namimiss ko na sila.
Iba syempre ang yakap na dulot ng mga batang ito kapag umaga. Pati na yung mga kwento nila. Saka yung mga usap matanda nila. Iba lang.
Hindi ko nakita ang sarili ko noon na maghahandle ng mga chikiting. Hanggang ngayon naman ay hindi siya nasa top ng wish list ko na trabaho. Pero sa totoo lang, naeenjoy ko siya ngayon. Iba kapag kasama at katrabaho ang mga bata. Parang handa lang ako lagi na magbigay ng power hug at pogi yakap sabay sabi sa kanilang magandang umaga bata-batuta.
Naway okay sila lahat.

Aww ang cute! Grabe preschool ang hinahandle mo. Haba siguro ng pasensya mo. Ako college students ang tinuturuan, makukulit pa Rin! Haha :)
ReplyDelete- jlapis.wordpress.com
Sina Red halos 2 weeks ng walang pasok dahil sa pesteng baha na yan. Luge na sa ibinayad na tuition. Malamang sa alamang magka-makeup classes sila. Argggh!
ReplyDeletemiss jen, bawal magbanggit ng pangalan :P hahaha XD di ko na lang nilagay yung tanong mo, pero oo, ako yun :)
ReplyDeleteser kuri, totoo! ang hirap kaya sa amin na walang pasok ang mga bata. Anong i-aassess at i-evaluate namin kung lagi naman walang nangyayari di ba?
ReplyDelete