Wednesday, August 15, 2012

Nobela na may direksyon sa pagkapon ng manok

Hindi ko lang mataim na ang magandang libro na maganda ang istorya ay ibebenta ng mura. Kaya pagkakita ko kaagad nito sa garage sale sa may Balanga, Bataan nung weekend, binili ko agad. Syempre, tiningnan ko kung meron pa silang iba pang kopya nito. May bigla akong pagnanasa na kunin lahat ng kopya para hindi siya iblandra at ibenta ng mura.

Nasa Bataan ako para magbigay ng psychosocial session sa mga dalaga. Binubuo namin ang grupo ng mga future peer counselors ng isang center-based na programa.

Balik sa libro, nabasa ko na siya noon pang kolehiyo ako. Hindi malalim ang kwento katulad ng Love in the Time of Cholera ni Gabriel Garcia Marquez pero kahilera ng House of Spirits ni Isabel Allende sa galing ng paggamit ng mga salita sa hanay ng magical realism.

Para sa mga nagsisimula o gustong magsimula ng bisyo sa pagbabasa ng mga nobela, maganda itong starting point. Hindi malalim pero hindi mababaw. Mahusay ang habi ng salita. At may kirot sa puso at kalawang sa utak ang tama ng pagbabasa nito.


At oo, may mga recipe ng masasarap na putahe. Kasama na rin ang step by step na paraan sa pag-castrate ng mga manok para sa espesyal na ulam na magandang ihain kapag may ikakasal. Tingnan sa page 25 ng edisyon ng librong ito ng nasa larawan. Haha.


2 comments: