Monday, August 27, 2012

One hundred book drive ng preschool

Ang mga librong ito ay binabasa at  naluluma ng mga bata at hindi lang display.
Ang isa sa mga pangarap ko talaga ay makita na mas madaming mga Pinoy ang mahilig sa pagbabasa. Naalala ko na nung bata ako, ang ginawa ng nanay ko ay bumili ng sang katerbang libro, oo, sako-sako ng mga libro at binabasahan kami ng mga kapatid ko tanghali at gabi.

Ayun. Ganung exposures lang. Walang pilit na matutong magbasa. Nandun lang. Parang inception.

Kaya ngayong nagtuturo ako ng preschoool, alam kong crucial ang panahon nato para ilagay sa bata ang pagmamahal sa pagbasa.

May proyekto kami sa school na 100 book drive. Ang gusto namin kasi namin ng co-teacher ko ay kapartner ang mga magulang sa pag-incept sa mga bata na mahilig at matutong magbasa.
Kaya ayun, sinulatan namin ang mga magulang na ayan, may 100 book drive kami. Yung mga lumang libro o sobrang libro na pwede magamit sa school, ayan yung pinapadala namin.

Grabe sa bangis na positibong pagtugon ng mga magulang. Paisa-isa muna, hanggang sa may nagbigay ng tatlo. So every now and then, ina-update namin ang mga magulang kung kumusta na ang libro drive namin.

Ang mga bata naman, pinakitaan namin ng mga donated books. At hindi siya pangdisplay lang katulad ng karanasan ko sa public school nun. Pwede talaga nila gamitin. Habang mas naluluma at mas nalulukot ang libro, mas okay. Kasi mas nagagamit ng mga bata.

At ngayon, masaya na. Kasi sa pagpasok pa lang ng mga bata sa kwarto, may mga nasa reading area na kaagad. Hindi ito pinilit o sinabi sa kanila na pumunta muna dun. Natural na lang.

At nakakatuwa. May mga bata na nagpepretend reading. Yung hindi talaga nakakabasa pero nagbibigay sila ng interpretasyon base sa mga pictures ng mga libro. At kunwari nilang nababasa yung mga salita na nakasulat.

Meron din naman na nakita na naman na nagsimula ng magsight reading. Yung mga words na pamilyar sa kanila, binabasa na nila.

Meron din naman na mga readers na. Grabe, limang taon, nagbabasa.

O diba, hindi namin ito mararanasan kung hindi dahil sa book drive ng klase. At dahil na rin sa mga magulang.

Excited lang ako. Kasi nasa 70+ na yung mga books. Nagsimula na rin kami magturo ng numbers sa kanila. Ang mga libro ay may numero sa harap. Para hindi lang reading at language ang target pero may mathematics at numeracy din.

Amazing talaga ang libro.

Excited lang ako na i-share kasi nanaginip ako na kausap ko ang mga libro kagabi. Oo nagsasalita sila. Haha.

Masaya.

8 comments:

  1. miss jen, ayan ang nagagawa kapag walang FB. haha XD at walang masyadong kausap kasi may takehome na trabaho at hindi makalabas at makipagkwentuhan sa mga kaibigan.

    ReplyDelete
  2. Ayos yan kapatid.. malaking tulong talaga ang mga libro sa mga bata.. buti na lang may mga katulad mo na nag-aalala sa future ng mga bata.. two-thumbs-up...

    ReplyDelete
  3. Salamat ser bartolome. Iba talaga ang nagagawa ng pagbasa.

    ReplyDelete
  4. Korek ka jan, mahalaga talaga ang pagbabasa. Yun nga lang mukang nasobrahan naman yata ako. Yung tipong lampas na yata ng 700 libro ko, at karamihan dun di ko pa nababasa dahil sa sobrang dami. Salamat sa Booksale, palaging butas ang bulsa ko. :D

    ReplyDelete
  5. ser visual v, sabi ko nga sayo dapat pinapahiram moko ng mga libro mo. pahingi na lang kung cuttered na lugar mo. handa ako ampunin ang ilan sa mga libro mo.

    uy, magbibigay na yan ng libro sa akin!

    ReplyDelete
  6. dati mahilig ako magbasa ng libro .. di ako nakaafford na bumili pumupunta na lng ako sa library namin,,, blessed ka kasi nakakabili ka :)

    ReplyDelete
  7. naku ser kulapitot, ako din mahilig maglibrary. ang nanay ko ang magaling magbudget. :)

    ReplyDelete