Sunday, August 26, 2012

Wala akong non-negotiables.

Yan ang napagtanto ko matapos ang dalawang araw na pag-iisip. Imperness, kahit naliligo ako o bago matulog naaalala ko pag-isipan kung may non-negotiables ba ako. Tapos nga nung nakasakay ako sa jeep papunta ng unibersidad, naisip ko na wala talaga akong fixed na dapat swak dun si future lovey-dovey mahal.

Sa punto ng buhay relasyon ko na sa ngayon ay zero, maghahanap pa ba ako ng dyosa? lols.

Pero naisip ko gumawa ng listahan ng mga gusto ko na lang, o yung initially nakakapag-attract sa akin.
  1. Malinis ang kuko at malinis tingnan ang paa.
  2. Malusog. Hindi ko gusto ko balingkinitan.Iba pa rin ang may laman ng konti na masarap yakapin.
  3. Mahilig magluto at mahilig kumain.Tataba galore kami hanggang maging kami na ang bagong definition ng universe na expanding.
  4. Mahilig sa hayop. Hayop kasi ako so dapat mahilig siya sa mga kauri ko. 
  5. Literate syempre. Mahilig magbasa ng libro. Hindi yung tatanungin pa ang gusto ko para magustuhan niya rin pero may set of preferences na dapat siya. Ayoko ng ako nag-iisip ng gugustuhin niya. Ayoko ng walang pantayong pananaw sa literatura. Seryoso. Nabobobohan ako dun.
  6. Sumasayaw. Dahil kapag nagsasama na kami at wala nang makain ang pamilya, sasayaw na lang kami.
  7. Naiintindihan ang pangangailangan ko ng prayvasi at espasyo.
  8. Iba syempre ang may sense of humor. Gusto ko sa everlasting relationship na may tawanan kami. Oo, hanap ko talaga ay entertainment showcase.
  9. Madumi ang pusod. Juk lang. Haha.

12 comments:

  1. Literate syempre.
    Ang basa ko LIBERATED.
    Nyahaha

    ReplyDelete
  2. gusto mo ng malinis ang paa pero marumi ang pusod? hanep ang trip mo ah. hehe. kung ako ang pagpipiliin, gusto ko rin ng may sense of humor at matalino. :)

    ReplyDelete
  3. Ako rin. Requirement ko ang madumi na pusod. The dirtier, the better. :D

    ReplyDelete
  4. ser denoy, syempre ang mga hidden desires mo lumalabas. lols.

    ReplyDelete
  5. ser visual v, iba talaga ang hatak sa akin kapag madumi ang pusod. saka iba talaga ang may sense of humor. ayaw natin ng matalino lang.

    ReplyDelete
  6. ser visual v, iba talaga ang hatak ng maitim na pusod. tama ka, mas madumi mas masaya. hindi ka lang nagkagf, nagkaroon ka pa ng libreng taniman ng kamote. hihi.

    ReplyDelete
  7. Talaga walang non-negotiable? So kahit iba ng paniniwala? Hehe. Maraming babae dyan ang madumi ang pusod so wala ka ng problema! Haha!

    ReplyDelete
  8. belief is important opkors. pero, pero... sige hindi muna ako magsasalita. hihi.

    ReplyDelete
  9. Sayang naman, mag-apply sana ako kaso balingkinitan ako at malinis pusod ko, okay na sana e, haha, juk lang din

    ReplyDelete
  10. sayang miss joanne, non negotiable ang maruming pusod. lols

    ReplyDelete
  11. nag baback read lang,, haha, natawa lang ako sa madumi ang pusod..:)

    ReplyDelete