Sinabihan ko rin sila na magsurbey sa mga kapwa nila college student, isang lalaki at isang babae ng kanilang top five non-negotiables. Tingnan natin kung ano ang common ng mga estudyante ngayon na hinahanap na ideyal na makakapareha nila.
Mate selection theories kasi ang pag-uusapan namin.
At hindi ko pa naaayos ang powerpoint at lecture notes ko. Abala kasi ako sa parent teacher conference sa preschool ko sa dalawang nakaraang linggo at sa curriculum presentation namin bukas.
Excited ako sa talakayan sa Martes! At hindi ko pa naiisip ang five non-negotiables ko. Mas nahihirapan na ako. At mukhang ibang iba na siya kumpara sa sagot ko two years ago.
Ngayon, ang gusto ko na lamang ay makapag-asawa ng babaeng madumi ang pusod. Fetish ko kasi yun. Lols. Syempre joke lang. Ang gusto ko lang naman sa babae ay simple, yung maitim ang kilikili. Haha.
Pwera biro, isipin ko muna ang non-negotiables ko. Para kasing negotiables na lahat ngayon. Parang hindi na malakas ang preferences ko.

Kaloka ang mga fetish ha?haha..
ReplyDeleteExcited din ako malaman ang magiging top answers
miss Joanne, may kakilala ka ba na madumi ang pusod? Pakilala mo naman ako.
ReplyDeletesi mocah
ReplyDeleteyun singer
madumi pusod non
hehe
Korek, panalo talaga ang maiitim na kili-kili. Non-negotiable number two yun for me. :D
ReplyDeleteser denoy, di ko kilala si mocah :( sino siya?
ReplyDeleteser v, tapos may buhok buhok pa di ba? yami!
ReplyDelete