![]() |
| Ganyan kakapal ang babasahin ko lahat-lahat. Tulong! |
Dalawang araw nako bumabangon ng alas tres ng madaling araw para magcheck ng critical essay on journal articles ng mga estudyante ko sa kolehiyo.
At nakakafrustrate lang na matapos silang bigyan ng napakadetalyadong balangkas sa kung ano ang hahanapin ko sa mga sinulat nila, WALA, as in wala akong makita na kritikal na pag-analisa sa mga pag-aaral na ginawa tungkol sa pamilya.
Meron naman ang iba, marahil hindi ko pa lang nache-checkan.
Pero haggard magbasa. Ang sistema kasi ay ganito. Syempre, babasahin ko muna ang journal article na napili nila. Pagnaintindihan at natapos ko na basahin, saka ko pa lang babasahin yung critical essay na ginawa nila.
Kung nakapagbasa ka na ng journal article, hindi siya masayang basahin. Madaming technical terms. WALANG DRAWING. So boring talaga. Tapos, kokombohan pa ng statistical analysis.
Dahil 26 ang estudyante ko sa klaseng ito, 26 journal articles ang babasahin ko, bago pa ang mga 26 na sinulat nila.
Nalulungkot talaga ako. Kasi kahit sinulat at tinalakay ko sa kanila yung mga hahanapin ko sa mga sinulat nila, wala akong makitang malalim na pagtingin. Ang hinala ko tuloy, marami sa kanila na isang gabi bago magpasahan, dun lang binasa ang journal article nila.
Ayoko magbigay ng mababang marka sa kanila. Kasi naman, masakit sa loob yung mababang grado. Pero ano naman ang ibibigay ko kung wala talaga.
Napaisip tuloy ako kung ganito din ba performance ko sa klase noon. Sa totoo lang, bagamat may mga pagkakataong excited ako mag-aral o magbasa o gumawa ng requirements, ang paglaban sa katamaran ay patuloy na tunggalian. Hindi naman madali maging estudyante. Yan alam ko yan.
Pero... Hay..

Hehe
ReplyDeleteI feel your frustration
Baka kung naging estudyante mo ako you might just decide to quit teaching all together
Haha
Happy weekend!
Buti na lang, hindi kita naging estudyante. Haha. Dyuk lang.
ReplyDeleteTumataas hairline ko ngayon sa kababasa ng mga sulatin.
Happy weekend!
ahaha kasipag. slow clap!
ReplyDeleteser mots, haha XD mockery ang slow clap :P
ReplyDeleteanyways, ikaw nga idol ko e :)