Monday, August 6, 2012

Buti pa ang dugo, nadodonate, bakit ang taba hindi?

Kung ang hinihigop na lang sana ng lamok ay taba at hindi dugo, mas masaya sana lahat ng tao.

Joke dyukan lang ang title. Pero medyo seryoso ang blog entry nato. Eto na. May estudyante akong nagka-dengue nung nakaraang buwan. Hindi naman siya nakuha sa premise ng preschool. Sa bahay nila nakuha kasi matagal siyang nagkabakasyon sa bahay nila bago siya nagkasakit. Pero nakakatakot pa rin na isipin na sa Quezon City, may mga lamok na may kargadang dengue. Ang mahirap pa nito kahit anong linis ng bahay mo, kung ang isa sa mga kapitbahay mo ay hindi alerto sa pagtanggal ng mga imbak na tubig bunga ng maulan na panahon, may malaking tsansa na may naglalamyerda na Aedes aegypti.



Kaya ngayon, lahat ng magulang, sinulatan namin na pagsuotin ang mga anak nila ng pants. Or any clothes na covered ang balat ng mga anak nila. Precautionary measure lang. Tutal, malamig din naman ang panahon. Nagpadala din kami ng citronella oil sa mga magulang. Pagdating ng mga bata sa classroom, nilalagyan namin sila kagad. Ang nakakatawa ngayon, akala ng mga bata, ang unang part ng routine nila ay maglagay ng citronella. Hahaha. Pagpasok ng classroom, pipila lang sila sa harap ko sabay turo sa citronella oil.

Nga pala, naglalagay din kami ng citronella sa sahig tapos mina-mop namin. Para kumapit ang amoy ng citronella sa mga floor para wala talagang AA mosquito. 

Ulan mode ang peg ng panahon. At nasa bakasyon naman ang mainit na araw. Ingat-ingat!

No comments:

Post a Comment