Kung ang pananampalataya niyo ay mag-uutos sa akin na magdiskrimina at magalit sa mga tao, sa inyo na yang pananampalatayang yan. Kung ang relihiyon na yan ay patuloy na magtotolera ng pagpatay, pananakot at pagpapahirap sa kapwa, sayo na yang relihiyon na yan.
Sa totoo lang, napapagod nako magpalawak ng pag-intindi sa paksyon at grupo-grupo. Kung mananakot at papatay lang din kayo sa ngalan ng pananampalataya, unahin niyo na lang sa sarili niyo. Kung gaano man ninyo nakikitang mabuti ang pananampalatayang iyan, sa inyo na lang.
Pagod nako sa lahat ng makikitid na daan at utak.
tanggalin man ang usapang relihiyon, ang kitlin ang buhay ng iba ay hindi makatao. Kung bakit gusto nila ng magulo kesa maayos na pagsasama-sama ng buhay habang andito sa mundo, hindi ko rin maintindihan. Kung bakit gusto nilang umiral ang galit at takot sa dibdib ng bawat nilalang, hinding-hindi ko maiintindihan.
ReplyDeleteTama po kayo, boss. Hindi masama ang magkaroon ng relihiyon pero hindi ito dapat maging dahilan para magbulagbulagan ka sa tunay na tama o mali.
ReplyDelete