Wednesday, February 11, 2015

Tula ng pagtangis sa liham ng minamahal

Nakita ko kanina si Jen na nagsusunog
Ng mga pangakong habang buhay na pagmamahal
At mga litanya ng paghanga na nakaukit sa papel.

Tinanong ko siya kung bakit kailangan
Niyang ipakain sa apoy ang tamis ng nakaraan.
Ng liham at larawan ng kanyang irog.

Tinitigan niya ako ng ilang sandali at sinabing
Naging totoo ang mga pangako at paghanga
Kami lang ang hindi nagpatuloy maniwala.


Ako naman ang tumitig sa kanya pansamantala
Saka nagsabing gusto ko lang sawayin ka
Dahil bawal magsunog ayon sa Clean air act. 

Ayon.
Basag ang pag-emo ni Jen.

2 comments: