Kung ako sayo, masasanay na ako sa problema. Hindi naman yan nauubos. Laging may nakapila. Hindi lang natin alam kung kelan dadating pero madami yan. Kailangan lang natin natututo palagi kapag nandiyan na sila.
O, bigla ka yatang naglinis ng electric fan! sabi ko. Ngumiti ka lang sa akin sabay thumbs up. Ayos ka na ba? tanong ko. Sabi mo okey lang, sabay saboy ng zonrox sa scotch brite. Kinikiskis mo na ulit ang elesi ng electric fan nung nagyaya akong kumain tayo ng pandesal. May cheesewiz ka ba jan? tanong mo sabay tigil ng ginagawa mo. Oo naman. Alam kong hindi ka kumakain ng pandesal na walang cheesewiz, sabi ko sabay kuha ng palaman sa ref. Salamat, kelangan ko yan. Ako na magtitimpla ng kape natin, sabi mo.
Minsan, hindi kailangan pag-usapan ang problema. Nakakapagod din kasi isipin, alalahanin, ikwento at pakinggan. Okey na yung ganung sabayan natin ang isa't isa sa pagkain ng pandesal na may cheesewiz at kape.
No comments:
Post a Comment