Hi!
Bakit nag-hi ka bigla?
Hmmmmm. Wala naman.
Okay.
Kumusta ka?
Okay lang. Ikaw?
Naisip lang kita nung bumili ako ng toothpaste.
Ha? Bakit?
Iniisip ko kung may toothpaste ka pa ba. Saka shampoo. Saka sabon. Alam kong tamad kang bumili ng toiletries mo.
Problema ko nga yan. Ubos na shampoo ko. At paubos na toothpaste ko.
Gusto mo ibili kita? Idaan ko na lang sa inyo.
Sige. Bayaran ko na lang pag dating mo dito. Salamat.
-------------------------------
Ganito na naman tayo. Hindi, na meron. Meron, na wala. Wala, na may laman. Laman, na wala walang basehan.
Ito na naman tayo sa larong hindi pambata. Sa bandang huli, pareho na naman tayo hindi magiging masaya.
Good luck ser. naniniwala akong may happy ending 'to. :)
ReplyDeleteTingnan na lang natin. Uy ser, nakasablay a!
Deletewow. paki ramdam ko may patutunguhan to.
ReplyDeletePano kung wala? :p
DeleteAno to? Mala-One More Chance? Or Starting Over Again? Lels!
ReplyDeleteAnu't-anuman yan, bawala maubusan ng toothpaste!!! :P
Hindi ko napanood miss yccos ang starting over again :p
Deletenoong bata tayo.. natutunan natin kung paano gamitin ang mga salitang "taympers" at "ayawan na" para sa later life natin ay alam natin kung kailan ito tamang gamitin..
ReplyDelete#napadaanLangAtNagcomment :)
Uy aj. Mas maganda nga sana kung katulad ng bata tayo, instant na titigil pag nagtataym pers at ayawan na tayo.
Delete