Saturday, February 15, 2014

Di sinasadyang pagkikita

Habang bumibili ng secondhand book, napansin ko na nandoon ka rin. Mas nakakailang ang di natin pagpapansinan kaya sinimulan kong batiin ka. Bumati ka rin. Tapos bigla na lang tayong natahimik. Dahil walang masabi sa isa't isa.

Gusto mo kumain? tanong mo.

Akala mo siguro tatanggi ako. Pero wala naman kasi akong gagawin ng Lunes ng gabi kaya sinabi ko, Oo.

Binayaran ko ang ika labing apat kong kopya ng Love in the Time of Cholera ni Gabriel Garcia Marquez.

Napansin mo ang libro. Ngumiti ka at sinabing, Pilit mo pa rin palang sinasalba ang librong yan sa mga thrift store.

Ngumisi lang ako. Pero sa loob ko, nagulat akong natatandaan mo pa rin ang panata ko kay Marquez, patron ng mahabang litanya ng pag-ibig.


Tahimik tayong naglakad papunta ng Chokiss, isang kainan na malapit. Ako na nakatingin lang sa kamay kong hawak ang libro at ikaw na nakatingin sa red chucks mo habang naglalakad.

Napapaisip talaga ako. Matapos ang limang taon, hindi ko akalain na magkikita ulit tayo. O kaya magkakausap. Matapos ang biglaan mong pakikipaghiwalay sa akin, at hindi pagsagot ng tawag at text o email ko, matapos ang labing tatlong buwan kong pagtambay sa paborito nating lugar sa may Vanguard sa kampus mag-isa, nanawa na rin ako at nagsimulang pulutin ang mga piraso ng buhay ko.

May katagalan bago ako nakabangon sa pagkawala mo. Pero sa tulong ng binabayaran kong counselor, nakapagpundar ulit ako ng mas maayos na buhay.

At ngayong bigla tayong nagkita, bigla akong nawalan ng pwedeng ikwento o itanong.

Gusto ko sana sabihin sayo na minsan, gusto ko pumunta sa lugar mo para kumustahin ka. Minsan, gusto kitang makausap tungkol sa nakaraan natin, hindi para ibalik ang dating relasyon. Pero para makakwentuhan ng masasaya at magagandang alaala. Minsan, gusto kitang lokohin at tuksuhin. Pero hindi ko alam kung tama ba yun para sa iyo. O para sa akin.

Ilang beses ako nanalangin na makakwentuhan ka na sabaw-sabawan at walang inhibisyon. At ngayong may pagkakataon, sa unang pagkakataon simula ng nawala ka, wala akong masabi.

Biglang tumawag ang boss ko sa cellphone. Urgent. At ito yung hindi ko mahihindian dahil kailangan kong bumalik sa opisina. Nagpaliwanag ako sayo at humihingi ng tawad na umalis.

Sa pagkakataong ito, nagpasalamat ako sa langit para sa boss ko. At sa perpektong timing ng pag-antala.

15 comments:

  1. Hi Blog walking here.. follower # 101.. :)

    Please follow me back http://tfdme.blogspot.com/.. thank you

    ReplyDelete
  2. Huh??? Seriously? Thankful ka? Ka-bad trip kaya ung Boss mo! Argh! Astig at wala kang kupas! Buti na lang hindi ko 'to nabasa nung emo ako nung V-Day! Touching! Long Live Marquez!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kumusta ba senyor ang valentines day? Ordinary friday lang siya sa akin :)

      Delete
    2. haaay naku... sa akin din... ordinary lang... sobra! nga-nga!!!

      Delete
  3. Grabe.. nakakaiyak yung muli ninyong pagkikita. :')

    ReplyDelete
    Replies
    1. Miss keizha, naku. Mas matimbang ang pagkailang sa isat isa kesa sa pakiramdam na nakakaiyak.

      Delete
  4. ambigat chong! emosyon kung emosyon.. sabagay anak ka nga ni Gabriel Garcia Marquez.

    "What matters in Life is not what happens to you but what you remember and how you remember it.” - GGM

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Batang Mailap! Salamat sa pagbisitavsa espasyo ko.

      Medyo maybhangover ako sa nakaraan kaya ganyan kalimitan ng mga litanya ko. Mabuhay si GGM!

      Delete
    2. haha, tara isang bucket, pag usapan natin yang nakaraan na yan.

      Delete
    3. Vodka sprite ako ser, more than beer. O kaya japanese sake. Game? :)

      Delete
  5. this is the exact thing that I am hoping and wishing for.. yung magkasalubong kami ng kami lang dalawa and talk about things..

    but I guess the universe is not yet ready nor has a plan to do it.. still i hope that when that day comes, ready na talaga ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magkwentuhan nga tayo minsan para malaman ko ang istorya mo ser aj.

      Delete
  6. Parang ang tagal ng limang taong hindi pagkikita? Tapos awkward pa rin. Hayyy. Pag-ibig nga naman. Sa daming depinisyon nito, wala pa ring makatumbas sa tunay na nararamdaman. Ano raw? Hehe.

    More sulat!!! :)

    ReplyDelete