*makulimlim ang tono ng post na ito.
Nitong bagong taon, nagkayayaan kami ni Pugo na umakyat ng Baguio. Hindi pa kasi siya nakakapunta doon samantalang ako ay taon-taon umaakyat kasama ng pamilya ko tuwing tag-init. Napangako ko sa kanya na aakyat kami doon minsan. Ang pangakong yun ay highschool pa. Ako ay patapos na sa anim na taon kong masteral samantalang siya ay may apat nang mga anak.
Nagbigay ako ng iskedyul na pinakamaluwag ako. Okay lang daw siya sa mga araw na binanggit ko. Sa aming dalawa, ako ang career man. Umaakyat sa hagdan ng propesyon. Siya naman ay family man. Dumadami ang lahi at natututo sa buhay at bahay. Nung papalapit na ang iskedyul, tumambak ang trabaho ko sa opisina. Si Pugo naman ay namomoblema sa pambayad ng bill sa kuryente at tubig. Pinahiram ko muna siya. Nangako si Pugo na babayaran matapos ang dalawang linggo.
Sa madaling sabi, hindi kami natuloy sa Baguio. Mas lalong bumigat ang trabaho ko. At nakaligtaan na ni Pugo bayaran ang utang niya.
Naisip ko lang isulat ito dahil may mga ilang blogger na nagkwento ng karanasan nila sa Baguio kasama ang mga kaibigan nila. May maganda din sana akong kwento kung natuloy 'yung gala namin ni Pugo.
May konting panghihinayang dahil malapit kong barkada si Pugo at matapos ang highschool ay nitong bagong taon lamang kami nagkita. Ang pagpunta sana sa Baguio ang bayad utang sa matagal naming di pagkikita.
Si Pugo ay isa lamang sa mga malalapit kong kaibigan na hindi ko na masyadong nakakwentuhan at nakalakbay sa buhay. Ilan sa mga panghihinayang ko sa simula nang itinuon ko ang sarili para sa paglilingkod. Mas naging abala akong tumugon sa pangangailangan ng trabaho at nagkaroon na lamang ng konti o halos wala na ngang oras sa mga personal na bagay.
Napapaisip ako ngayon dahil ikatlong linggo na nagtatrabaho ako kapag weekend. At dapat sana may lakad ako sa labas kasama ng kaibigan o kaya nagpapahinga. Pero may mga tinatapos akong report at naghahanda sa mga pagpupulong sa Lunes.
Noong una, nakikita ko lang itong maliit na sakripisyong personal para sa kabutihan ng nakararami. Pero nitong huli, hindi ko alam kung hanggang saan ang pwede ko iusad dahil nawawalan na ako ng kasiyahan at paliwanag na may saysay sa kung nasan ako ngayon at ano ang ginagawa ko.
Para sa materyalistikong mundo, maganda ang posisyon ko ngayon sa trabaho. At bihira para sa mga ka-edad ko ang nasa ganitong larangan ng administratibong gawain. Prestihiyosong pakinggan. Gayunpaman, may parang nakakaligtaan punan itong trabaho na mahalaga. Pero di ko mapaliwanag.
Baka ganun. O kulang lang ako sa karomansa ngayon, isang bagay na lalamang si Pugo sa akin.
In terms of stress-level, I feel you Ser OP :( gerd strikes back at me during this times. And yeah, it would have been better if there's someone to lean on to....
ReplyDeleteAnd my good old friend, comforted my by saying "welcome to govt work." lol.
Thank you for your work, the govt needs more people like u. But yeah, you deserve a break and hopefully, you can get that Baguio trip soon with your friend!
Kahit wala na yung kaibigan ko. Ako na lang magBaguio. lol
Deletesabi nga sir, all work and no play makes jack a dull boy. hanap ng time :)
ReplyDeleteNaku, matagal na akong mapurol ser bino :P
Deletei can definitely relate to what you are going through right now. it's impossible not to think about it but as i grew older, i learn that things happen reason. but i also learn that work does not control my life, i control my work.
ReplyDeletePero pano ser mike? Pano ako hindi makokontrol ng trabaho?
DeleteAlam mo natutuwa talaga ako sa mga post mong ganito.. para kasing salamin lang ng kung ano yung mga nasa isip ko na karamihan ay hindi ko masabi sa iba.. lol
ReplyDeleteI know the feeling, yung subsob ka nasa mga ginagawa mo to the point na noong dating mong ginagawa ay nakakatuwa pero ngayon ginagawa mo na lang dahil kailangan mo gawin.. to the point na nagsawa ka na at gusto mo ng CHANGE :D
Naku ser AJ, hindi kaya magkadugsong ang ating mga bituka noong pinanganak tayo? Haha!
DeleteSayang pero I know matutuloy din ang pagpunta nyo ng baguio ng kaibigan mo..
ReplyDeleteMalabo mangyari ser rix sa malapit na panahon. Mukhang matatagalan pa.
DeleteAwts kung sabagay dapat munang isipin ang mga bagay na kailangan bigyan ng prioridad. haist..
DeleteMasakit man marinig, I guess we really can't have it all. Pipili at pipili ka kung ipupursue mo ang pagstart ng family o ang pag-usbong ng career. Malay mo ngayong established ka na sa trabaho, pwede mo nang hanapin si da one!
ReplyDeleteHi nyl! Nakakatuwa ka madinig magFilipino. Hahaha. Nasanay kasi ako na english ang salita mo sa utak ko. Hahahaha.
DeleteHindi ko nga alam kung gusto ko ang career at pagpapamilya. Gusto ko lang siguro magpahinga.