Makakalimutin talaga ako. Pero ngayong iniisip ko ang mga bagay na naalala ko, parang wala akong ikinabuhay. Parang nag time warp lang ako. At humantong sa ilang space and time station, namalagi sandali at nagtime warp na ulit.
Thursday, August 21, 2014
Post birthday post
Naging bente otso na ako nitong Hunyo. At narealize ko na karamihan sa ginawa ko sa nakaraang 27 taon ay hindi ko maalala. Naalala ko ang paggraduate ko sa state university. Naalala ko ang unang harap ko sa korte para sa pagbibigay paliwanag sa kalagayan ng kliyente kong bata. Naalala ko ang ilang away namin ng nanay ko. At naalala ko ang huli kong inibig at ang pangakong huling beses na akong iibig. Pero ayun na yun. Ang alaala ng mga bagay ay lumilipas. At nawawala. At kung susumahin ang ang naaalala ko, parang hindi naman ako bente otso anyos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
kelangan mo yung drugs ni Lucy!
ReplyDeleteBelated Happy Birthday Sir Ops!
Sa memory mo siguro hindi mo na maalala ang mga bagay-bagay, pero sa mga taong nakilala mo, na-touch at nabago ang buhay dahil sayo, meron silang malinaw na alaala mo.
Hi Yccos. Napaisip ako sa komento mo. Sa kasalukuyan, ito ang naiisip ko --kahit ang alaala patungkol sa mga taong naging mabuti at napalapit sa akin, naaalala ko lang ang suma ng kanilang ginawa. Hindi ganoon kalinaw ang mga naaalala ko. Hindi ko alam kung ako lang ito. O isang universal na karanasan.
DeleteBelated Happy Birthday Ser OP!
ReplyDeleteLahat naman ata tayo nararanasan yan. Maski ako minsan, naiisip ko na parang ambilis ng oras.
Hi sep. Hindi lang mabilis ang paglipas ng oras. Mabilis din ang paglimot ng mga alaala.
DeleteBelated. Hyyy naku... Apir! Ganyan din naiisip ko taon-taon. Ambilis kasi ng panahon. Nadadagdagan ang edad na parang ganun-ganun lang!
ReplyDeleteNgayon lang ako napasagot sa komento mo Senyor. Napaisip ako ngayon na parang mas masarap na mabilis dumadaan ang panahon kaysa sa mahaba at dragging. Kelangan lang mamuhay ng ganap para hindi lilipas ng parang lumundag lang ang panahon.
DeletePahabol na pagbati, kakaunti na rin ang naaalala ko sayang yung iba kung maalala ko lang muli madami siguro akong matutunan.
ReplyDeleteKaya nga Nong na masarap itipa sa papel o dito sa mga personal nating espasyo ang mga alaala. Bago pa tayo makalimot.
DeleteSome may say that forgetfulness is a gift. Siguro po a matter of making the proper documentation Sir. Belated happy birthday po :)
ReplyDeleteHi Dindin! It's really nice to have women reading my blog. Hehe. Mainam na may chicks na bumibisita sa espasyo ko.
DeleteMay nagsabi sa akin noon. Ewan ko kung tama sya.
ReplyDeleteKapag hindi mo na daw maalala, malamang hindi ito mahalaga.
Lagi akong late. Pero Happy Birthday!
Salamat sa pagbati, Ginoo.
DeletePalagay ko hindi totoo sa akin ang kasabihan na iyon. Dahil kahit mahalaga at nais kong isaloob ang ilang alaala, nakakalimutan ko ang karamihan sa mga ito.