Sunday, September 16, 2018

Professional reading day

Nitong mga nakaraang araw, dahil suspended ang opisina, extended ang oras ko magbasa. Nakwento ko sa inyo noon na parte ng desisyon ko alagaan ang sarili ang pagsigurado na ang Sabado ng umaga ay di ko lalamanin ng meeting or kung ano mang trabaho. Magbabasa lang ako ng Sabado ng umaga.

Ito yung bago kong libro. Masya ko siyang binabasa ng long weekend. Classic na dahil 1996 pa siya napublish. Pero dahil seryoso ako sa pag-intindi ng family theories, nireserba ko talaga ang energy ko para masecure ang original work ni Joan Aldous.

So ayan, nagamit ko na ulit ang mga highlighters ko. Yung isa diyan ay pilot frixion highlighter, yung dilaw. Regalo sa akin. Pwede mag erase ng highlight. Pwedeng mag undo ng mali. Sana pwede din sa tunay na buhay. Lalo na yung mga pinili ko noon na mahalin. Haha. Joke lang.

Fountain pen yung silver na pen na nakikita niyo. Nabili ko ng sobrang bagsak presyo sa Cutting Edge sa Trinoma. Naka 80% off. Parker Facet Matte Chrome, medium nib. Swabe magsulat. May konting kakaiba sa mechanism niya sa pagbukas at pagsasara. Pero tolerable na kaartehan. Kaya binili ko. Next week sale pa rin sila. So kapag nagawi kayo sa Trinoma, pwede niyo tingnan kung trip niyo.

11 comments:

  1. ako naman nagreseba ako ng 4 na oras sa shift ko sa trabaho para manood ng pelikula ko series na pinapanood ko hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ko kaya manood ng mahabang panahon sa series. Nadedrain ako.

      Delete
    2. Hahaha naghahabol kasi ng episode sa ngayon 6 series ang sinusubaybayan ko

      Delete
  2. Naku Sir OP, wala pa rin akong fountain pen hanggang ngayon; hindi pa rin ako makakasama sa gathering ng mga fountain pen pipz!

    Pero may highlighter naman ako :) Yung basic lang na uri, yung bumabakat sa kabilang page at di nabubura hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May fountain pen meet bukas sa Via Mare sa may UP GT Toyota. @pm onwards. Punta ka kung libre ka. May paraffle ng fountain pen. Hehe.

      Delete
  3. Ang lakas ko mag-hoard ng Frixion! I love their pens and their highlighters - nanguha ako ng tag-isang set dahil tulad nga ng sinabi mo, minsan may mga mali na kailangan i-undo! Dapat swabe lang lol

    And i like what you did here. We all need to set some time for ourselves every week. Ang lakas mag-promote ng mental health!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha! Nyl, ang daming Frixion, so ang daming kelangan i-undo? Haha.

      Delete
  4. Kelangan ko na ulit bumalik sa pagbabasa.. Yung last 10 days ko, puro byahe, maraming lipad at mahahabang byahe.

    Di pa rin ako nakakagamit ng fountain pens. Di pa rin ako nakakahanap ng mura dito eh. Hahaha.
    Yung Me-time mo, para pa rin sa professional growth mo :) Ang saya!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yccos, try Pilot Metropolitan fountain pen. For sure, abot kaya yan diyan.

      Delete
  5. nice book...bumisita uli sa iyo..salamat sa pagiging bahagi ng blog ko sa 10 years...celebrating 10 years, Written Feelings....

    ReplyDelete