Tuesday, August 30, 2016

Dormitoryo 1

Hindi ko kakayanin mag-counseling work sa ospital. Di ko kukunin yung offer ni Doc Mark, sabi ko sayo kanina habang nag-aagahan.

Bakit naman? Sayang din yung kikitain mo. Hindi ka naman 8-5 dun sa magiging clinic mo, sagot mo sa akin. 

Hindi ko kaya makipag-usap sa mga namatayan o mamamatayan. 

Tumahimik ka. Tinapik ako sa balikat. Tapos iniba mo ang usapan. Uy, ang kape mo, lalamig. 

Hinigop ko yung ikatlong tasa ko ng kape. Tapos tinanong kita, Okey lang ba sayo na i-turn down ko yung offer ni Doc Mark. 

Sa totoo lang, manghihinayang ako sa pwede mo kitain. Pero parte ng pagiging propesyonal mo yung alam mo yung sakop at hangganan ng pagiging epektibo mo. 

Tumayo ako para kunin sa tukador yung B complex na binili ng nanay mo para sayo na inihabilin sa akin na iremind ka na inumin. Pampatalas ng memorya niya yan, sabi ng nanay mo sakin. 

Salamat, sabi mo, ng inabot ko yung isang tableta.

Anong salamat? Ikaw magliligpit ng pinagkainan natin ngayon, sabi ko. Sabay alis ng dining area para maligo. 




2 comments:

  1. Ikatlong tasa ng kape, sa isang upuan at almusal pa lang yon ha? Malakas ako magkape pero ibang level itu. Haha.

    Gusto ko yong mga ganitong pasada ng kwento. Lakas maka-one act play. :)

    ReplyDelete