Sa ganitong panahon na maulan, kasama ko ang ilang daang manggagawa na nagising na tinatamad pumasok.
Napaisip din ako kung anong sapatos ang water proof na meron ako kung sakaling may mababaw na baha sa kalsada. Kung nasa Carmen, Rosales ako, ayos lang magtsinelas pumasok sa opisina at magtampisaw sa baha papasok ng trabaho. Pero dahil nasa lungsod ako, medyo madaling isipin kung ano ang iba pang body fluids at iba pang shiz ng tao at hayop na kahalo ng tubig ulan. Sa aking middle class na edukasyon, naprograma ang utak ko na ang pagtatampisaw sa baha, lalo na sa lungsod ay mapanganib sa kalusugan.
Isang libong porsyento ng enerhiya at disiplina ang naubos ko para pilitin ang sarili na bumangon at maggiling ng kape para lutuin sa aking coffee maker. Sa regular na araw, isang tasa ng purong kape lang ang iniinom ko. Pero kanina, nagdesisyon ako na kailangan ko ng asukal. Kaya hinaluan ko ang kape ko mula sa Benguet ng gatas (full cream) at balikutsa. Matapos ang limang minuto ng mabagal na pagnamnam ng caffeine at asukal, mas buhay na ang dugo ko.
Sa pagkunsumo ng ikalawang tasa ng kape, nagdesisyon na ako magpakulo ng tubig na gagamitin sa paliligo.
Hindi ko alam kung paano sinisimulan ng ibang yuppies ang araw nila pero kalimitang ganito ang simula ng araw-araw kong kwento ng buhay manggagawa.
Bago lumabas ng bahay, prinograma ko na ang musikang papakinggan ko habang nakasakay sa jeep:
Blinding Light ng Switchfoot
Blood Brothers ng Iron Maiden
Bloody Mary ng Five for Fighting
Boat Parade ng Five for Fighting
Both Sides Now ni Joni Mitchell
Box of Stones ni Benjamin Francis Leftwich
Pasundot-sundot ang lakas ng ulan. Pero dahil sa kape at sa mga awitin na lahat ay nagsisimula sa titik B, ayos na ulit magpaalipin sa mundo ng komersyalismo at sistemang kapitalista.
Mahilig din ako sa kape, na parang droga at konsensya na nagsasabing : 'Di ka anak ni Ayala, kelangan mong magtrabaho at kumayod.' Parang gusto kong tikman ang benguet coffee beans.
ReplyDeleteHi Reigun Decena! Welcome sa espasyo ko :)
DeleteMainam na matikman mo ang kape ng Benguet. May natatangi siyang amoy at lasa :)
Nakakatamad talaga bumangon ng maaga kapag maulan... ang hirap labanan ng lamig.
ReplyDeleteAt kape lang din ang aking pampagising. :)
Hi Jep. isang tasa ng Black coffee ang pampagising ko ng katawan. At isa pang tasa ng black coffee ulit para naman magising ang diwa.
DeleteSistemang kapitalista. Minsan gusto ko nang bumalik sa sistemang yan. Kesa magpakabulok sa sistema ng gobyerno na hindi ko alam kung nabubulok na o wala talaga :( :(
ReplyDeleteMahanap nga yang mga kanta na yan.... At maayos na nga din ang aking playlist.. It's been a while since I got to update mine.. Mga two years ago pa..Hahaha...
Thumbs up sa kape! Kahit sabi ni Doc, bwasan na ang kape dahil sa acid, thumbs up pa din sa Kape!
Hi Yccos. Ayusin mo na ang playlist mo. Magandang nababago siya from time to time.
Delete